TMBS 20

5.9K 137 2
                                    

Nang makapasok kami sa kompanya, lahat ng atensyon ay napunta sa amin. Or should I say kay Brant. Kilala naman nila si Treyton malamang at itong si Brant lang ang bago sa paningin nila. At ang loko, sobrang lakas makahakot ng atensyon kahit wala naman siyang ginagawa.

Buhat-buhat lang naman niya yung mga dala ko at prenteng naglalakad. Letseng 'to. Ang gwapo kasi masyado. Yung mga babaeng empleyado ko ay halos hindi na tanggalin ang paningin kay Brant na nakapagpataas sa kilay ko.

Huminto ako sa paglakad at pasimpleng tumikhim kaya sa akin napunta ang atensyon nila. Inilibot ko ang paningin ko at tumingin sa kanila ng seryoso. Napayuko naman sila at nagsibalikan na sa kanilang ginagawa. Saka lang ako ulit bumalik sa paglakad papunta sa elevator. Naibaling ko ang paningin ko kay Brant na kanina ko pa napapansing nakangisi.

"Anong nginingisi-ngisi mo diyan?" taas-kilay kong tanong sa kanya at pumasok na sa loob ng elevator.

"I really love it when you're jealous" mas lalong napataas ang kilay ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong isipin na nagseselos ako"

"Hindi ba?" lintik! Gusto ko na talagang sapakin ang nakangisi niyang labi.

"Hindi. Bakit naman ako magseselos? Tayo ba?" nawala ang ngisi sa mukha niya kaya ako naman ang napangisi.

"I thought we're good?"

"Anong good?"

"Good that we're back together" hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko.

"Assuming ka masyado. At sino nagsabi sayong bumalik na tayo sa dati?"

"Ikaw" kumunot ang noo ko.

"Ako? Hoy Brant, wala akong binitiwang mga ganong salita"

"Wala nga but your actions says it all"

"Actions?"

"You kissed me back last night, remember?" at ngumisi na naman siya dahilan para mamula ang pisngi ko. Nyeta. Bakit inungkat niya ang nangyari kagabi?

"It means that you still love me too"

Hindi ko siya sinagot at hinintay na lang na bumukas ang elevator. Gustong-gusto ko nang lumabas ng letseng elevator na ito. Ngayon lang ako nainis sa elevator ko. At nang bumukas ito, dire-diretso lang akong naglakad papunta sa office ko habang hawak-hawak sa kamay si Treyton.

"Ano? Tama ako diba? Mahal mo pa rin ako?" inis ko siyang hinarap.

"Nadala lang ako kagabi kaya kita hinalikan pabalik. Walang malisya iyon, letse ka"

------------

Hindi ko na namalayan ang oras at alas sais na pala ng gabi. Masyado akong nababad dito sa table ko habang kaharap ang dalawang laptop at isang computer. Medyo masakit na rin sa mata itong buong araw na nakakatutok sa computer at laptop.

Tumayo ako para lumabas ng aking office. Sumakay ako ng elevator at bumaba lang ng isang floor. Atsaka ako pumasok sa office ni Nicholas kung saan ko iniwan yung dalawa.

Dito ko muna sila pinatuloy sa opisina ni Nicholas kaysa naman doon sila sa office ko. Marami akong masyadong ginagawa. Atsaka gusto naman niyang masolo si Treyton diba? Pinagbigyan ko lang.

Natigilan ako sa nadatnan ko. Nakahiga sa sofa si Brant habang natutulog at nasa ibabaw niya naman si Treyton na nakayakap sa kanyang ama. Bahagya ring nakakalat ang mga laruan ni Treyton na dinala niya kanina dahil gusto niya raw makalaro ang Daddy niya.

Hinayaan ko muna silang matulog at iniligpit ko na muna ang mga laruan na nakakalat dito.

"Mommy?" napalingon ako kay Treyton na hindi ko napansing nakabangon na pala. Tiningnan ko si Brant na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon