TMBS 11

5.8K 129 0
                                    

"CEO, ito na po yung list ng mga bago nating investor"

Kinuha ko yung list na inaabot ni Shaggy. Iniscan ko muna ito.

"Thank you Shaggy. Nakaready na ba ang meeting room?" tumango siya.

"Yes po CEO. Nandoon na rin po ang marketing team"

Kinuha ko ang phone ko at lumabas ng office ko. Sumakay kami ni Shaggy sa elevator at nang makalabas, dumiretso kami kaagad sa meeting room. Nandoon na nga ang lahat at ako na lang ang kulang. Maging si Nicholas ay  nasa kanyang puwesto na rin.

Umuwi na kasi ang lokong 'yan kagabi. Basta may usapan kami na within this week, sasabihin ko na kay Treyton ang totoo. At sa totoo lang, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa posibleng maging reaksyon niya.

Nagsitayuan sila nang makita akong pumasok. Nagpunta naman ako sa upuan ko na nasa pinakaharap.

"Let's start the meeting"

--------------

Kinahapunan ay nagpaalam na sa akin si Nicholas na susunduin si Treyton sa school. Hindi kasi ako makakasama dahil may kailangan pa akong puntahan. May appointment ako with Ms. Delavin.

Nakarating kami sa lugar kung saan kami magkikita. Kasama ko si Shaggy. Nag-usap lang kami about sa business. May inaalok kasi siya at kailangan ko pang pag-isipan kung tatanggapin ko.

Well marami namang benefits yung in-offer niya sa akin at mukhang hindi naman na masama. Pero hindi pa muna ako nagbitiw ng mga salita sa kanya. Sabi ko sa kanya ay imemessage ko na lang siya patungkol sa desisyon ko.

"Mauna na ako Ms. McKenley" nakangiting sabi niya.

Umalis na si Ms. Delavin at ganun na rin kami ni Shaggy. Baka nandoon na rin sila Treyton sa kompanya. Kakain kasi kami ngayon ng dinner sa labas.

Nang makalabas kami, hindi sinasadya ay may nakabangga ako. Medyo malakas pa naman iyon kaya mabilisan akong hinawakan ni Shaggy.

"CEO ayos ka lang po ba?" tinanguan ko siya.

"I'm fine Shaggy"

Tiningnan ko naman yung nakabangga ko. Matangkad ito, medyo malaki ang katawan, may kaputian din, may ibubuga rin naman pagdating sa mukha, pero maraming tattoo.

"Ayos ka lang ba-----" natigil ako sa pagsasalita dahil bigla akong kinilabutan nang ngisian niya ako. And after that ay tumalikod na siya at umalis na nakapagpatulala sa akin.

"CEO, ayos lang po ba talaga kayo?" saka lang ako nabalik sa realidad nang magsalita ulit si Shaggy.

Hinanap ko ulit yung lalaki kanina pero hindi ko na siya nakita pa.

He gives me creep!

Pagbalik namin sa kompanya, agad akong sinalubong ni Nicholas at Treyton sa bungad. Nakasuot pa ng uniform si Treyton at ito namang si Nicholas ay dala na ang kanyang bag.

"Let's go?" tanong ni Nicholas.

"Shaggy ikaw na ang bahalang magsara ng office ko, okay?" tumango naman si Shaggy at ngumiti.

"Yes po CEO. Enjoy po kayo"

Sabay-sabay kaming naglakad papasok sa kotse. Si Mang Lucio naman ang aming driver kaya tabi-tabi kami rito. Nang makarating kami sa restaurant, pumasok na kami sa loob dahil may pinareserve naman na raw na table si Nicholas para sa aming tatlo.

Nagbrowse na rin ako ng menu.

"Treyton anong gusto mo?" rinig kong tanong ni Nicholas kay Treyton.

"Daddy I want a beef steak" napangiti ako. Beef steak na naman?

"Baby, kakabeef steak mo lang tapos iyon na naman ang gusto mong kainin?" natatawa kong tanong sa kanya.

"That's my favorite dish Mommy. Hehe" hinawakan ko ang pisngi niya at mahinang pinisil iyon. Nagmana talaga siya sa ama niya.

"Okay fine. Pero i-o-order din kita ng pasta" tumango siya at nginitian ako.

"Thank you Mommy"

Nang makapag-order na kami, ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang aming in-order. Habang kumakain kami, napatingin ako kay Nicholas at bigla niyang nginuso si Treyton. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. I mouthed him 'maghintay ka'.

Naikuwento ko na rin sa kanya na nagkita na kami ulit ni Brant. At alam niya na rin na nagkita na ang mag-ama. At yung loko, tuwang-tuwa pa. Para siyang timang.

Simula rin noong nagstay ng isang gabi si Brant sa bahay, hindi na kami muling nagkita pa na ikinapagpapasalamat ko. Ayoko na ulit na magkrus ang aming mga landas. Tama na.

"Mommy tikman mo itong pasta. It tastes delicious" nakangiti kong isinubo yung tinidor na may lamang pasta na inaalok sa akin ni Treyton.

"Oh baby, masarap nga. Ubusin mo 'yan ha?"

"Yes po"

Nakangiti kong pinagmasdan ang anak ko habang kumakain. He's the best gift that happened in my life and I can't afford to lose him.

Natatakot lang ako na kapag nalaman niya ang totoo, ma-expose siya sa totoong trabaho ng ama niya at iyon pa ang maging dahilan para mapahamak siya.

Pero tama naman si Nicholas, may karapatan siyang malaman kung sino ang totoo niyang ama. Ang totoo niyang Daddy.

Soon baby. Soon.

Hahanap muna ako ng timing. Pero pangako, sasabihin ko rin sa kanya ang totoo.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nag-uusap din kami ni Nicholas tungkol sa kompanya. At kailangan naming umuwi kaagad dahil marami akong kailangang tapusin. Paniguradong magpupuyat ako ngayong gabi.

Napadako ang paningin ko sa isang table at nakita ko ang isang lalaki na parang pamilyar sa paningin ko. Bigla siyang ngumisi at kinilabutan ako. At naalala ko kung sino siya.

The creepy man!

Siya yung nakabangga ko kanina. Yung maraming tattoo. Ano ito? Bakit nakita ko na naman siya? At nakatingin din siya sa akin? Coincidence lang ba 'to?

"Mommy sino pong tinitingnan mo?" nawala ang paningin ko sa lalaking yun at nalipat kay Treyton.

"Wala Treyton, may nakita lang ako. Ubusin mo na ang pagkain mo"

Tiningnan ko yung table kung nasaan sa boy tattoo pero wala na naman siya. Hindi ko alam pero kinabahan ako. Who is he? Bakit ganon na lang siya makangisi sa akin? One hundred percent sure ako na hindi ko siya kilala. Kilala ba niya ako?

Shit lang. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi maganda ang kutob ko sa kanya.

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now