TMBS 5

6.5K 160 0
                                    

"Mommy, are you tired?"

Napalingon ako sa gilid ko nang magsalita si Treyton. Nandito kasi siya ngayon sa office ko at pagabi na. Nakaupo rin siya sa swivel chair na nasa tabi ko lang din.

"Just a bit baby. Ikaw ba? Hindi ka pa nagugutom?" tanong ko sa kanya dahil baka gutom na ang anak ko.

"I'm hungry po" natigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.

"Really? Nasaan ba ang backpack mo? Hindi ba't may mga pagkain ka roon?"

"Kakain lang po ako kapag tapos na kayo diyan. Mommy gusto mo tulungan kita? My teacher said that I am a smart kid, so I think I can help you" napangiti ko sa sinabi ni Treyton at parang nakakawala ng pagod ang kanyang nakangiting mukha.

"Sure baby. Mommy needs your help"

Inilapit ko ang kanyang swivel chair sa aking table. Lumuhod naman siya at inayos ang mga papel na nakakalat sa table ko. Nakangiti ko naman siyang pinagmasdan.

"Busy pa rin po ba si Daddy? Hindi pa rin po ba siya uuwi sa bahay?"

Natigil ako sa ginagawa ko at lumingon sa kanya. Ito naman kasing si Nicholas ay hindi umuwi ng bahay kagabi. Muntik pa ngang hindi matulog si Treyton kakahintay sa kanya. Siraulo kasi ang lalaking. Hindi raw siya uuwi hangga't hindi ko sinasabi kay Treyton ang totoo.

"Yes baby. Marami pang ginagawa si Daddy"

Maging ngayong araw ay hindi niya rin nakita si Nicholas dahil may kailangang puntahan si Nicholas at dalawang araw siya doon. Kaya kaming dalawa lang ni Treyton sa bahay.

"I miss Daddy. I want to play with him" pilit ko na lang siyang nginitian.

Nang matapos kaming magligpit, lumabas na kami ni Treyton ng kompanya. Si Shaggy na ang bahalang magsara ng office ko. Nagugutom na kasi itong si Treyton kaya kakain muna kami sa pinakamalapit na restaurant.

Pasakay na sana kami sa kotse nang kalabitin ako ng anak ko.

"Mommy someone's calling" inabot niya sa akin yung phone ko. Hiniram niya ito kasi maglalaro daw. Kinuha ko naman iyon at tiningnan ang caller. Unregistered siya.

Sinagot ko naman dahil baka importante ito. O baka naman si Nicholas at nakigamit lang ng phone para makitawag.

"Hello?"

"Ito po ba si Ma'am Savannah McKenley?" nagsalubong agad ang kilay ko nang makarinig ng hindi pamilyar na boses.

"Ako nga. Sino sila at anong kailangan?"

"Hindi po ako ang may kailangan. Si boss po"

What? Boss?

"Sinong boss mo?"

"Si boss Brantley po"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa aking phone nang marinig ko ang pangalan niya. Kaya pala hindi pamilyar sa akin ang boses dahil isa ito sa mga tauhan niya.

"Katatapos lang po kasing operahan ni boss at hindi pa siya gumigising ngayon. Kanina pa po niya binabanggit ang inyong pangalan habang tulog siya kaya naisipan ko kayong tawagan"

"A-ano kamo? Na-operahan? Bakit? Anong nangyari sa kanya?"

May sakit ba siya?

"Nagkaroon po kasi ng sagupaan. Natamaan ng baril si boss sa tagiliran at braso kaya kinakailangan niyang ma-operahan"

Napasinghap ako sa aking narinig. Sagupaan? Nabaril? Nabaril si Brant?

"Teka sandali. Baka nagkamali ka lang ng dinig. Baka hindi ako yung binabanggit niya"

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now