TMBS 6

6.5K 157 1
                                    

Hindi ako makagalaw sa sinabi niya. Knowing na nakayakap pa siya sa akin. At hindi maganda ito dahil nakikita kami ni Treyton.

"Brant, aalis na kami" matigas kong sabi at mabilis na tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin.

Pero sa tinangka naming pag-alis, ay siya namang pagharang ng mga tauhan niya kaya inis akong humarap sa kanya.

"Brant, pwede ba sabihan mo ang mga tauhan mo na huwag humarang sa daan? Aalis na kami ng anak ko"

"I said stay" inilingan ko siya.

"Uuwi na kami——"

"You still care for me right?"

Natigilan ako sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin gusto ang tinging ibinibigay niya sa akin. I just hate it.

"Nagkakamali ka ng iniisip" ngumisi siya at humakbang palapit sa akin kaya napaatras ako.

"Really? Then why go here? I bet you want to check me if I'm okay or not. You still care and don't lie Savannah, I can see it clearly through your eyes"

Napalunok na lang ako at napaiwas ng tingin.

"Mommy what is he saying?" tiningnan ko ang anak ko at nginitian siya.

"Wala baby. May pinag-uusapan lang kami. Anong sabi ni Mommy? Huwag basta-basta makikinig sa usapan ng mga matatanda diba?" napangiti ako nang tumango siya.

"Yes po. I won't" mas lalo akong napangiti nang siya na mismo ang nagtakip sa tenga niya.

Muli akong humarap kay Brant. Mataman siyang tumingin kay Treyton tapos biglang ngumisi.

"Ano bang gusto mo ha?" ipinagkrus niya ang mga braso niya.

"Just stay for a while Savannah. Even just for an hour"

——————————————

"Brant ako na diyan"

"No. Just sit there"

"Siraulo ka ba? Kaka-opera mo lang diba tapos nagtatrabaho ka na? Ako na diyan. Ikaw ang maupo doon" napangisi siya sa sinabi ko.

"As you wish honey"

Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang tinawag niya sa akin. Honey. He used to call me that back then.

Iniling ko ang ulo ko. Hindi dapat ako magpa-apekto. Pinagbigyan ko lang siyang magstay kami ni Treyton dito ng isang oras at pagkatapos, aalis na kami. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag.

Hindi magandang nagtatagal kami sa tabi niya. Lalo pa't kagagaling lang sa sagupaan ng mga ito. Hindi ko alam kung anong klaseng sagupaan pero mukhang malala dahil may tama siya sa tagiliran at braso.

Nagsuot na ako ng apron at nagluto ng dapat iluto. Mabilis lang naman itong iluluto ko.

"Are you really a bad guy?" napalingon ako sa kinaroroonan ni Treyton at Brant.

"Who said that I'm a bad guy?" tanong naman ni Brant sa anak ko.

"Si mommy po. Sabi niya ay bad guy ka kaya huwag daw akong makikipaglaro at sasama sayo"

Nako nako Treyton. Minsan talaga hindi ko gusto ang pagiging honest mo.

"Really?" lumingon sa akin si Brant kaya ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa aking niluluto.

"But I'm not a bad guy kid. Your Mommy's lying" napataas ang kilay ko habang hinahalo ang niluluto ko. Talagang ako pa ang sinungaling!?

"But she's my Mommy and I believe her"

The Mafia Boss' SonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora