TMBS 30

3.9K 78 0
                                    

Naimulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang isang madilim na paligid.

Nasaan ako?

Sinubukan kong gumalaw pero wala akong maigalaw sa katawan ko bukod sa ulo ko. Napansin kong nakatali ang mga kamay at paa ko dito sa upuan. May duct tape rin ako sa bibig. Sinubukan kong alalahanin kung anong nangyari at hindi ko na napigilan ang mapaluha at kabahan ng sobra nang maalala ko na nakita ko si Ferno De Guzman sa restroom.

Inilibot ko ulit ang paningin ko pero wala talaga akong makita. Masyadong madilim. Shit!

Si Brant. Si Treyton.

I hope they are fine. Sana walang mangyaring masama sa kanilang dalawa. Anong oras na ba? Gabi na ba? Bakit masyadong madilim?

Napatingin ako sa kung saan nang may marinig akong kumalabog. What's that? Napapikit pa ako nang biglang nagliwanag ang paligid. Ang sakit sa mata!

"Gising ka na pala"

Kahit na nasisilaw pa ako, sinibukan kong imulat ang mata ko nang makarinig ako ng hindi pamilyar na boses. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si boy tattoo na naglalakad papalapit sa puwesto ko habang may ngisi sa labi.

Hinawakan niya ang pisngi ko at iginilid ko ang ulo ko para iiwas sa kanya.

"Maganda ka rin pala ano? Hindi na ako magtataka kung bakit mo nabihag yung tarantadong Brant na yun"

Gusto ko sana siyang sigawan dahil sa pagtawag niyang tarantado kay Brant pero kahit gustuhin ko, hindi ko magawa dahil nga may duct tape sa bibig ko.

"Nakuha ko na ang asawa ni Levine..." ngising sabi niya. W-what? Ang akala niya ba ay mag-asawa na kami ni Brant?

"Sino ang sunod? Ang anak niyo kaya?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at mabilisan akong umiling. Nagsibagsakan din ang mga luha mula sa mata ko. P-please! Kahit ako na lang! Huwag na huwag niyang idadamay si Treyton.

"H-huwag mong gagalawin ang anak ko!"

"Ssshhh... Huwag kang umiyak. Tatawagan muna natin ang asawa mo. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang titikman ko ang asawa niya?"

Nangilabot ako sa sinabi niya. Gustuhin ko mang sapakin at sampalin siya pero hindi ko magawa.

May kinuha siyang isang upuan at may inilapag na laptop doon. Itinapat niya pa ito sa akin. Inilibot ko ulit ang paningin ko at ngayon nakikita ko na nasa isa akong silid. Walang kalaman-laman ito bukod sa amin.

Hinawakan niya ang ulo ko at sapilitang pinaharap sa laptop. Tiningnan ko yung oras na nakikita ko sa laptop. 8:36 pm. Gabi na pala. Magtatanghali yung appointment ko kanina. Ang tagal ko rin palang walang malay.

"Alam mo ba kung bakit ko ginagawa ito?" umiiyak akong umiling kahit na alam ko naman ang dahilan.

"Dahil yun sa asawa mo! Sa pagtanggal niya sa akin sa Mafia! Nagmakaawa akong huwag niya akong tanggalin pero hindi siya nakinig! Tingnan na lang natin ngayon, sigurado akong siya ang magmamakaawa sa akin" ngumisi na naman siya na hindi ko talaga nagugustuhan.

"Sigurado akong-----" natigil siya sa pagsasalita nang may lumitaw na imahe sa laptop at mas lalo akong naiyak nang makita ko ang mukha ni Brant.

"Fucking shit! Honey!"

Nataranta siya nang makita ako. Gusto ko siyang kausapin pero wala nga akong magawa.

"Fuck you Ferno! I will burn you to death!" ramdam na ramdam ko ang panggigigil ni Brant.

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now