TMBS 13

5.5K 124 0
                                    

"Savannah, are you okay? Nakikinig ka ba sa nagsasalita sa harapan?" napalingon ako sa tabi ko. Si Nicholas.

"Kanina ka pa parang tulala. Ano bang iniisip mo? Kanina pa ako nahihiwagaan sayo ah. Mukha ka pang walang tulog" napaiwas na lang ako ng tingin.

May nagpepresent kasi sa harapan ngayon at hindi ko magawang magfocus sa nagsasalita. Masyadong lumulutang ang utak ko ngayon.

"Ayos lang ako Nicholas"

Alam kong hindi kumbinsido ang pinsan ko sa sagot ko pero pinili na lang niyang manahimik.

Ang totoo niyan ay hindi ako okay. Simula nang mag-usap kami kagabi ni Brant, hindi na ako nakatulog nang maayos at wala nga atang isang oras ang tulog ko.

Maging si Treyton ay tinanong ako kung ayos lang ba ako. Napansin niya rin siguro ang matamlay kong aura.

Matapos ang presentation, pumunta na ako sa office ko at nadatnan ko si Treyton na natutulog sa sofa. Napangiti na lang ako atsaka lumapit sa kanya.

Wala kasi siyang pasok ngayon kaya nandito siya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo. Umupo ako sa lapag at pinagmasdan ang anak kong payapang natutulog. May carpet naman dito kaya hindi madudumihan ang suot ko.

"Treyton, nag-usap kami ng Daddy mo kagabi"

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil naaalala ko ang nangyari kagabi. Parang may tumutusok sa dibdib ko sa tuwing naaalala ko iyon. At alam ko ang pakiramdam na ito.

Nasasaktan ako.

Pero alam kong mawawala rin ito. Kailangan ko lang panghawakan ang sinabi kong ikakasal na ako. Alam kong titigil din siya.

"Your father wants me back. He said that he still loves me"

Nasasabi ko ito ngayon sa anak ko dahil alam kong tulog siya. Pero kung gising sinTreyton, hindi naman ako makakapagsalita.

"Forgive me son. Forgive me but I have to forbid you from him"

Inubos ko ang oras ko sa mga dapat kong gawin. Halos hindi ko na tinigilan ang pagtipa sa keyboard at ang pagbasa sa mga papeles na nasa harapan ko ngayon para lang mawala siya sa isipan ko.

"Mommy, eat first. You didn't eat lunch yet"

Napatingin ako sa anak ko na tapos na palang kumain ng lunch.

"Wala akong ganang kumain anak---"

"No Mommy, you have to eat. Masama po ang nagpapalipas ng gutom. Hindi ba't iyon po ang sinabi mo sa akin?" bumuntong hininga na lang ako.

Kahit wala akong ganang kumain, pinilit ko dahil ayokong mapagalitan na naman kay Treyton. Nang matapos kaming kumain, inihatid ko siya sa office ni Nicholas.

"Savannah, spill it" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Nicholas.

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Come on. Alam kong may problema ka kaya sabihin mo na. What's bothering you? Pati ako nababahala sa pagiging matamlay mo. Your employees also noticed that, even your son"

Wala na akong nagawa kundi ang sabihin kay Nicholas ang lahat. Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kagabi. Nangongonsensiya eh. Nandito ako ngayon sa office niya habang si Treyton ay naglalaro doon sa may sofa.

"I see. Hanggang ngayon ay mahal ka pa rin niya. Kung ikaw ba ang tatanungin, mahal mo pa ba siya?"

Para akong binato sa kinalalagyan ko dahil hindi ako makasagot sa tanong niya.

"I understand kung hindi ka makasagot. Pero ang akin lang Savannah, kung mahal mo pa naman siya, why don't you trust him na magagawa niya kayong protektahan?" nagsalubong ang kilay ko.

"Nasabi ko naman sayo na hindi niya nagawang protektahan ang sarili niya diba? Papaano pa kami?" ngumisi siya.

"Lahat makakayanan basta totoong nagmamahalan" mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.

"After all, siya naman ang ama ng anak mo. Bakit ba gusto mo siyang ilayo sa totoo niyang Tatay?"

"I told you, I don't want my son to be in danger. Alam mo na 'yan, simula pa lang sa umpisa" tumango siya.

"Alam ko nga. Ganito na lang, halimbawa wala pa si Treyton. Hindi ka pa nabuntis. Tapos nalaman mong Mafia Boss si Brantley. Magagawa mo ba siyang tanggapin?" hindi ako nagdalawang-isip na tumango.

"I'll accept him despite his identity" napaatras ako sa upuan nang bigla niya akong kurutin.

"Hayop! Bakit ka nangungurot!?" sabay pinanlakihan ko siya ng mata.

"Wala lang. Gusto lang kitang kurutin"

"Siraulo ka na" tinawanan niya lang ako.

Grabe. Napakalaking tulong niya sa problema ko.

"Alam mo kung ako ang nasa posisyon mo, sasabihin ko kay Brantley ang totoo. Na may anak ako at siya ang ama" napatingin ako kay Nicholas.

"Dahil may karapatan siya Savannah. Apat na taon mo nang itinatago sa kanya ang katotohanan. Sa tingin ko, ito na ang tamang panahon na sabihin mo sa kanya ang totoo. And trust him too. Iba ang proteksyon na kayang ibigay ng isang ama" umiling ako.

"Kay Treyton kaya ko pang sabihin pero sa kanya? I don't think I can. Paano na lang kung kunin niya ang anak ko? Paano na lang kung gustuhin ni Treyton na sumama sa kanya?"

Hindi ko maiwasang mangamba lalo pa't alam kong nagkalapit na ang loob nilang dalawa.

"Masyado ka kasing pinapangunahan ng takot mo. Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ng anak mo. Alam mo ba kung gaano kasaya si Treyton habang ikinukuwento niya sa akin ang Uncle Brant niya kuno habang naglalaro sila? Hindi matatawaran ang saya sa mukha niya. At hindi rin ako makapaniwala na ang sarili niya mismong ina ang naglalayo sa kanya sa kasiyahan"

Tagos sa buto yung sinabi ni Nicholas at parang may kung anong bumaon sa dibdib ko.

"Within this week, sabihin mo na kay Treyton ang totoo. At sigurado akong matutuwa siya kapag nalaman niyang ang totoo niyang Daddy ay si Brantley. Pero alam ko rin na hindi ka naman papayag na makasama niya si Brantley. Sa tingin mo anong mararamdaman niya? Sa tingin mo ba sasaya siya?"

Napayuko na lang ako.

"I only wanted him to be safe. Masama ba iyon? Masama bang intindihin ko ang kaligtasan ni Treyton?" hinawakan ni Nicholas ang mga braso ko kaya napaangat ako ng tingin.

"Kaya nga nandiyan kayo eh. Kaya nga may magulang ang isang bata para mahalin, alagaan at protektahan siya" natutop ko ang aking labi.

"Imbis na ilayo mo siya, bakit hindi mo tulungan si Brantley na protektahan si Treyton? Huwag mo siyang tanggalan ng responsibilidad bilang ama at huwag mong ipagkait kay Treyton ang makapiling ang totoo niyang ama. He's a Mafia Boss at huwag mo siyang maliitin. Pagkatiwalaan mo siya alang-alang sa anak niyo. Alam kong kaya niya kayong protektahan dahil mahal ka niya, at alam kong mas lalo ka pa niyang mamahalin kapag nalaman niyang may anak kayo. Siya na rin naman ang nagsabi na kaya niya kayong protektahan. Hold onto his words"

Bigla akong napatingin sa anak kong naglalaro sa may sofa. Hindi ko naiwasang mapaluha.

"Alam kong naguguluhan ka. Pero matalino ka Savannah kaya alam kong alam mo kung ano ang dapat mong gawin"

Matapos ang pag-uusap namin ni Nicholas, hindi na ako natahimik pa. Patuloy na sumasagi sa isipan ko lahat ng sinabi niya kanina.

Tahimik lang akong nakamasid sa anak kong natutulog sa kuwarto niya. Malungkot akong ngumiti at hinawakan ang kamay ng anak ko.

"Sorry baby. Sorry dahil inilayo kita sa totoo mong ama" hindi ko maiwasan ang mapaluha.

Hinalikan ko ang kamay niya at huminga nang malalim.

"But I promise you Treyton, sasabihin na ni Mommy ang totoo"

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now