TMBS 12

5.5K 122 2
                                    

Nang makarating kami sa bahay, hindi nawala sa isipan ko yung creepy na lalaking dalawang beses ko nakita ngayong araw. Pero pinilit ko siyang tanggalin sa isipan ko dahil mas may mga kailangan akong dapat isipin bukod sa kanya.

"Good night Mommy. I love you po" napangiti ako sa sinabi ng anak ko.

"Good night Treyton. I love you too" nakangiting sabi ko at nakipagnose-to-nose na naman ako.

Pinagmasdan ko siya na makipagnose-to-nose rin kay Nicholas. At nang masiguro naming tulog na siya, saka lang kami lumabas ng kwarto.

"I wonder kung anong magiging reaksyon ni Treyton kapag nalaman niyang Tito niya pala ang tinatawag niyang Daddy" siniko ko naman si Nicholas kaya napa-aray siya.

"Shut up Nicholas. Pumasok ka na lang sa kwarto mo at tapusin ang dapat mong tapusin" masungit na saad ko sa kanya.

"Basta pinapaalala ko lang-----"

"Oo na oo na! Hindi ko naman kalilimutan iyon!" nginitian na lang niya ako.

"Good. Basta kung sa tingin mo hindi mo kayang sabihin nang mag-isa, sabihan mo lang ako" isang tango na lang ang isinagot ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at inumpisahan ang mga gagawin ko. Binuksan ko ang dalawang laptop. Kinuha ko yung swivel chair at umupo roon.

Lumipas ang mga oras at nang tumingin ako sa phone ko, ten thirty lagpas na rin ng gabi. Nakakaramdam na rin ako ng antok pero hindi pa ako tapos sa ginagawa ko kaya bumaba muna ako para magtimpla ng kape pampagising. Pagkatapos kong magtimpla, bumalik na ako sa itaas.

Sinilip ko pa ang kwarto ni Nicholas at nakita kong bagsak na siya. I mean tulog na. Tapos na kaya niya yung ginagawa niya? Napakibit balikat na lang ako dumiretso na sa kwarto ko.

Tinuloy ko na yung ginagawa ko. Malapit na rin naman na ako sa latter part. Konting push pa. Hanggang sa may hinahanap akong papeles pero hindi ko mahanap.

"Nasaan na ba iyon?"

Kinalkal ko yung mga envelope na nandito pero hindi ko talaga nakita. At naalala ko na baka naiwan ko sa sasakyan kaya kinuha ko ang susi ng kotse sa drawer at bumaba na naman ako. Binuksan ko na ang pinto ng bahay at lumabas. Sumalubong pa sa akin ang malamig na hangin kaya halos mapayakap ako sa aking sarili.

Nagpunta ako sa garage at pinuntahan ang isa kong kotse na ginamit namin kanina. Binuksan ko iyon at tama nga ako, nandoon yung hinahanap ko. Sinara ko na ang sasakyan at nagsimula nang maglakad.

*Ding dong*

Napatigil ako sa paglakad ko nang makarinig ako ng doorbell. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan. Bakit may nagdoorbell? Ganitong oras? Napatingin ako sa gate ko. May ilaw naman doon pero bakit parang wala akong makitang tao?

Naulit ang tunog ng door bell kaya mas lalo akong kinabahan. Shit. Shit. Shit. Am I scared? Of course I am!

Ganunpaman, nilakasan ko ang loob ko na maglakad papunta sa may gate.

"Sino 'yan?" tinapangan ko rin ang boses ko. Pero imbis na sumagot, tunog ng door bell ang nakuha ko.

Lintik! Tatakbo na ba ako pabalik sa loob? O titingnan ko kung sino itong nakatopak na nang-iistorbo sa ganitong oras ng gabi?

Gusto ko sana yung una kong choice pero hindi ako sinunod ng katawan ko. Dumiretso pa rin ako sa gate. Binuksan ko pa talaga ito para masilip kung sino ang nagdodoorbell.

Napaatras ako nang may makita akong matangkad na lalaki, nakasuot ito ng itim na jacket at suot niya ang hoodie na nakakapagtakip sa kanyang mukha. Nakayuko kasi siya kaya hindi ko mawari kung sino siya.

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now