TMBS 22

5.4K 137 3
                                    

"Shaggy come on, pasok ka" nakangiting sabi ko kay Shaggy dahil nakarating na siya rito sa bahay.

Napangiti ako sa ayos niya. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang nakadress dahil lagi siyang nakapencil skirt at three-fourth longsleeves. Bagay niya palang nakadress. Lalo siyang gumanda.

Maghahapon na rin at napagpasiyahan naming hindi na muna kami lalabas. Saka na lang. Mas gusto naming dito na lang sa bahay icelebrate ang birthday ni Treyton. Since ito rin naman ang gusto niya. Simple lang.

Nakavideo call din namin kanina sila Mommy and Daddy at tuwang-tuwa silang malaman na buo na ang pamilya namin. Naikuwento ko na rin kasi sa kanila ang mga nangyari these past few days.

Maging si Nicholas ay nakausap ko na rin at yung loko, tuwang-tuwa dahil sa wakas daw ay makakalayas na siya sa bahay na ito. Siraulo talaga.

Meron naman kasi talaga siyang sariling bahay. Dito lang siya tumira kasi nga nagpapanggap siyang ama ni Treyton noon.

"Nasaan si Treyton, CEO?" tanong niya sa akin habang ginaguide ko siya papasok.

"Nandoon kasama ang Daddy niya"

Alam din ni Shaggy ang totoo na hindi talaga si Nicholas ang ama ni Treyton.

"Siya ba yung sinama mo sa company noon CEO?" tumango ako.

Ang sabi ko sa kanya, kapag nasa labas kami ng kompanya, huwag na niya akong tawaging CEO at huwag na siyang mag-po. Pero ito at makulit siya, hindi na nga nagpopo, tinatawag pa rin naman akong CEO.

"Siya nga" napangiti siya sa sinabi ko.

"I see. May pagkakahawig kasi sila" ako naman ang napangiti.

Nang makarating kami sa sala, nadatnan kong naghahabulan yung tatlo. Si Treyton, si Brant at si Elvis. Nandito rin kasi si Elvis dahil cinontact siya ni Brant. May dala nga rin siyang regalo na hindi ko alam kung anong laman dahil sobrang laki ng kahon. Kasya na nga ata ako roon.

May hawak-hawak na toy gun si Treyton. Siya raw kasi ang police tapos yung dalawa daw ang criminal kaya hinahabol niya para hulihin. Kanina pa sila ganyan at hindi ko alam kung bakit hindi sila napapagod.

"Ate Shaggy!"

Napatigil si Treyton sa paghabol kila Brant at Elvis nang makita niya si Shaggy. Tumakbo naman siya palapit sa amin.

"Hey handsome Treyton, happy birthday. My gift for you" nakangiting tinanggap ni Treyton ang medium sized gift box na dala ni Shaggy.

Close rin sila ni Shaggy dahil dati, kapag talaga sobrang busy ko at ni Nicholas, sa kanya namin iniiwan si Treyton.

"Thank you for this Ate Shaggy" bahagyang ginulo ni Shaggy ang buhok ni Treyton.

"Welcome, handsome kid"

"Ehem! Mind to introduce us?" napataas ang dalawa kong kilay dahil sa biglang pagtikhim ni Elvis. Nakita ko rin ang pagngisi ni Brant dahil sa sinabi ni Elvis. Tumayo naman na si Shaggy at tumingin doon sa dalawa.

"Ah shaggy, this is Brantley Levine. The father of my son" taas noo pa si Brant kung makatingin na para bang sobrang proud na proud na siya ang ama ni Treyton.

"And this is Elvis-----"

"Elvis Borromeo is my name. It's my pleasure to meet a beautiful lady like you" napahawak ako sa bibig ko nang kuhanin ni Elvis ang kanang kamay ni Shaggy at hinalikan ang tuktok nito. Si Shaggy naman ay namumula ang mga pisngi.

Ang bilis palang kumilos nitong si Elvis. Napailing-iling na lang ako.

Nang oras na para sa dinner, sabay-sabay kaming nagpunta sa dining area. Nagluto nga ako ulit ng beef steak dahil nagrequest na naman yung dalawa. Paano, yung niluto ko kanina ay naubos nila. Halos sila nga lang ang kumain.

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now