TMBS 25

4.7K 91 0
                                    

Lumipas ang mga araw at so far wala naman na akong natanggap tulad nung death threat na nakuha ko. Pero still nababagabag pa rin ako.

"CEO nandito na po si Mr. Levine at si Treyton"

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Shaggy sa intercom. Hindi pa man ako nakakasagot nang bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa nun ang mag-ama ko. Si Brantley ang may dala ng bag ni Treyton at buhat-buhat niya rin ito.

Sobrang dami kong ginagawa ngayon at talaga namang nakakapagod pero nababawasan talaga ang pagod ko basta makita ko lang sila.

"Mommy!"

Nakangiti kong sinalubong ang anak kong bumaba mula sa pagkakabuhat sa kanya ni Brant at tumakbo papunta sa akin.

"Mukhang maaga kayong dumating ngayon ah?" lumapit sa akin si Brant at hinalikan ako.

"Maaga silang dinismiss ng teacher nila. May meeting daw" napatango na lang ako.

"Nagugutom ba kayo? Gusto niyo munang kumain?"

"Yes mommy! Let's eat! Let's eat!" masayang wika ng anak ko at hinawakan ang kamay ko. Si Brant naman ay tumingin sa lamesa kong medyo makalat dahil sa mga document na binabasa at inaayos ko.

"Pero mukhang busy ka ata. Ipagtitake-out ka na lang namin ni Treyton" umiling ako at nginitian siya.

"It's fine. Kumain na tayo sa labas. Gusto ko munang makahinga ng maayos dahil ang dami kong ginagawa. Mamaya ko na lang sila iisipin. So let's go?"

Sabay na tumango ang dalawa. Lumabas kami ng kompanya at napagdesisyunan naming diyan na lang sa malapit kumain. Walking distance lang naman mula sa kompanya.

Nang makapasok kami sa restaurant, naghanap kaagad si Brant ng mauupuan. Magkaharapan kaming umupo habang si Treyton naman ay nakakalong sa kanya.

"Honey you look so tired. I'm worried" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Brant.

"Normal lang 'to. No need to be worried, mawawala rin ito"

"Is there anything I can do to help you?" nginitian ko na lang siya at hinawakan ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.

"Just take care of Treyton. That's already a big help to me"

Ilang minuto lang matapos naming mag-order ay dumating na ang pagkain. Nagkukuwentuhan lang kaming tatlo habang nakain at nakinig sa mga kuwento ni Treyton about sa school nila.

Napapangiti na lang din ako sa tuwing nakikita kong sinusubuan ni Treyton si Brant ng pagkain at ganun din si Brant sa kanya.

Napadako ang tingin ko sa labas ng restaurant dahil glass wall naman ito kaya kita ang labas at ganun na lang ang pagtalbog ng puso ko nang makita ko na naman ang lalaking nagpapataas ng balahibo ko.

Napahigpit ang hawak ko sa fork and knife na nasa kamay ko. Hindi ko masyadong makita ang itsura niya pero sigurado ako na sa amin siya nakatingin. At sigurado rin ako na siya talaga itong lalaking creepy na nakikita ko.

Napalunok na lang ako at ibinaling kila Brant ang paningin ko.

"Brant, Treyton, hindi pa kayo tapos? I think we need to go" kumunot ang noo ni Brant at dahil nakatingin sa kanya si Treyton, ginaya siya nito at kinunotan din ako ng noo.

"Why in a hurry honey? May problema ba?" mabilis kong iniling ang ulo ko.

"W-wala naman. Naalala ko lang na marami pa pala akong tatapusin so I think we need to go back" palusot ko.

"Alright. We'll go back"

Kinakabahan akong tumayo. Kaagad akong tumayo at lumapit sa puwesto nila. Si Brant naman ay binuhat ulit si Treyton. Napahawak na lang ako sa kamay ni Brant dahil kinakabahan talaga ako.

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now