TMBS 14

5.3K 140 0
                                    

Kung noong isang gabi ay hindi ako makatulog, hanggang ngayon ay wala pa rin akong matinong tulog dahil dumagdag ang mga pinagsasasabi sa akin ni Nicholas. As in wala talaga akong maayos na tulog.

"CEO, may nagpapadala po"

Napatingin ako kay Shaggy at agad na kumunot ang noo ko nang makita kong may dala siyang bouquet of flowers.

"For me? Kanino raw galing?" nagtataka kong tanong.

"Wala pong sinabi eh. Basta may nagdeliver po at para sa inyo nga raw po ito" kinuha ko yung bulaklak.

"Sige Shaggy. Salamat"

Nang makalabas si Shaggy ng office ko, tinitigan ko itong mga bulaklak. Blue roses ito. Teka sandali-----blue roses.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Siya. Siya lang ang nakakaalam na color blue ang pinakapaboritong kulay ko sa roses bukod sa pamilya ko.

Kinalkal ko yung bouquet of blue roses dahil baka may makita ako at meron nga. Meron ditong color blue envelope na medyo may kaliitan. Kinuha ko ito at binuksan.

Blue roses for you Savannah. I know you love it. It's my peace-offering. Sorry if I bothered you last last night. Don't worry, I won't do it again. I understand. You want me out of your life, then I will be if that's what you wish for.

Be safe and take care of yourself and also Treyton. Just always remember that I love you so much.

-BL

Napahigpit ang hawak ko sa papel at nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak. Ito naman ang gusto ko diba? Pero bakit ako umiiyak? Bakit ako nasasaktan? Do I still love him?

I think I am.

Sa tingin ko mahal ko pa rin siya. Hindi naman ako masasaktan ng ganito kung hindi ko na siya mahal. Hindi naman ako iiyak nang dahil sa kanya kung hindi ko na siya mahal. Damn it.

Pinunasan ko ang luha ko at itinabi na muna sa isang gilid ang bouquet kasama yung letter.

Inubos ko ang oras ko sa trabaho at nang oras na para sunduin si Treyton, lumabas na ako sa office ko. Nagpunta muna ako kay Nicholas para magpaalam na susunduin ko na ang anak ko.

"Samahan na kita" umiling ako.

"Huwag na Nicholas. Ako na lang ang susundo sa kanya. Mukhang may ginagawa ka pa ata. Ituloy mo na lang 'yan"

"Are you sure?" tumango ako.

"Didiretso na rin kami sa bahay niyan. B-balak ko na kasing sabihin sa kanya ang totoo"

Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Actually, kagabi ko pa ito pinag-iisipan at isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ako nakatulog nang maayos. Ngumiti si Nicholas.

"Then that's great. Basta imessage or icall mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong" tumango na lang ako.

"Good luck cousin. I know you can do it"

Niyakap ako ni Nicholas at parang nadagdagan ang lakas ng loob ko dahil sa pagcheer-up niya sa akin.

Nang makarating ako sa school ni Treyton, nakita ko na siyang naghihintay sa may waiting shed. At nang makita niya ang kotse ko, agad siyang bumaba sa kinauupuan niya. Lumabas ako ng sasakyan at nilapitan siya.

"Let's go?" nakangiti siyang tumango.

Inalalayan ko siyang makapasok sa kotse at makaupo sa shotgun seat. Kinabitan ko na rin siya ng seatbelt at pagkatapos, pumasok na rin ako sa loob ng kotse.

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now