TMBS 17

5.5K 156 3
                                    

"Savannah calm down"

"How the heck can I calm down Brant? Nawawala ang anak ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakikita!"

Ilang oras na ang nakalipas. Alas otso na ng gabi at wala pa rin si Treyton. Lumapit sa akin si Brant at hinawakan ang magkabilang braso ko. Bahagya pa akong napatingala dahil mas matangkad siya sa akin.

"Gumagawa na kami ng paraan nila Elvis. We are currently hacking the school's cctv cameras. Kaya kumalma ka muna. And you should eat too. Hindi ka pa kumakain"

Paano ako makakakain? Ni hindi ko nga maramdaman ang gutom. Ang kailangan ko ay mahanap ang anak ko.

Nandito ako ngayon sa unit ni Brant. Nandito din yung Elvis na nakita kong kasama niya noon sa mall. May mga men in black dito na sa tingin ko sila yung mga humarang sa amin ni Treyton noon. Ang daming laptop na nakalabas at pinapanood ko lang sila na magtipa sa kanya-kanya nilang laptop.

"Please Savannah, kumain ka na muna"

Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Brant papunta sa dining area ng kanyang unit. Well I can say na ang laki pala sa loob ng unit niya na ngayon ko lang napansin. Hindi ko naman kasi nalibot itong unit niya nung nagpunta kami ni Treyton dito.

Pinaupo niya ako sa upuan habang nasa harapan ko ang pagkain. Umupo rin siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako roon at hindi na ako nagtaka nang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Can I know nasaan ang fiancé mo sa mga panahong ito?" seryoso ang boses na tanong niya. Napayuko na lang ako.

"N-nasa Japan siya. Business trip" sagot ko naman sa kanya.

"Alam na ba niya ang tungkol dito?" tumango ako bilang pagsisinungaling.

"Yup. And he's finding a way to come back home immediately" dagdag ko pa. Hinaplos-haplos niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Everything will be fine Savannah" kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya na mukhang hindi niya inaasahang gagawin ko.

"Mahahanap mo naman si Treyton diba? You promised me that you'll find him" desperada na talaga akong mahanap ang anak ko.

"I will"

---------------

"Nahack na ang cctv cameras Brant" napatayo si Brant dahil sa sinabi ni Elvis at maging ako rin. Pinanood ko yung nakaflash sa malaking monitor.

"Around 3:25 pm ay may nagsundo sa kanya" kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Pinanood ko ang isang lalaki na bumaba sa kanyang itim na sasakyan. Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakasuot siya ng black mask at black cap. Naka-all black nga ito pati sa kanyang jacket at pantalon.

Nilapitan niya ang anak ko at may kung anong sinabi. At napaluha ako nang makita kong sumama si Treyton sa kanya.

Napalingon sa akin si Brant at narinig ko na naman ang malutong niyang mura nang makita niya akong umiiyak. Lumapit siya sa akin at pinunasan na naman ang pisngi ko.

"Izoom niyo ang plate number ng sasakyan at itrack niyo kung nasaan ito ngayon" ma-awtoridad na utos ni Brant na siya namang ginawa ni Elvis.

At wala pang sampung minuto, may ipinakita na naman si Elvis.

"Iyan ang location na lumabas. Kailangan na nating pumunta doon ngayon din" tumango si Brant sa sinabi ni Elvis.

"Then let's go"

Nagsitayuan na silang lahat at nakita ko pa ang pag-aayos nila ng kanilang mga armas. Guns to be exact.

Hindi ko maiwasang mapalunok habang nakatingin sa kanila. Parang wala lang sa kanila na baril na ang kanilang hawak. Akala mo ay isa lang itong magaang laruan.

"Stay here-----" agad kong pinutol ang sasabihin ni Brant.

"No. Sasama ako Brant. Anak ko 'yon" umiling siya.

"Hindi natin kilala kung sino ang kumuha sa kanya at hindi ako papayag na pati ikaw ay mapahamak. Just wait here at ipinapangako ko sa iyo, ibabalik ko ng buhay si Treyton" bumagsak na ang balikat ko dahil sa sinabi niya. Ayaw niya akong pasamahin.

"Sundin mo na lang ang sinabi ni Brant. Delikado kung sasama ka pa. Para rin ito sa kaligtasan mo" dagdag pa ni Elvis kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Dinala ako ni Brant sa monitoring room dito sa unit niya. Dito ay nakikita ko ang iba't ibang anggulo ng cctv.

"Stay here. Huwag na huwag mong bubuksan ang pinto kung hindi kami ang dumating. Understand?" para akong batang tumango sa kanya.

"Si Treyton... Please make sure to bring him back" halos garalgal ang boses ko. He gave me an assuring smile.

"I swear to you that I will" lumapit siya sa akin at napapikit na lang ako nang maramdaman kong lumapat ang kanyang labi sa aking noo.

Isa't kalahating oras na ang nakalipas simula nung umalis sila Brant at hanggang ngayon hindi pa rin sila bumabalik.

Hindi ko alam kung ano na ang balita sa kanila. Mag-aalas onse na ng gabi at sa ganitong oras ay dapat inaantok na ako pero ngayon ay wala akong maramdamang antok. Gising na gising ang diwa ko at mulat na mulat ang mga mata ko.

Kanina pa ako nakikipagtitigan sa monitor dito at kanina ko pang hinihintay na makita sila Brant mula sa cctv footage habang kasama ang anak ko. Halos hindi na rin ako matapos sa pagdadasal na sana ay dumating na sila. Na sana ay walang nangyaring masama sa kanila.

Mabilis pa sa isang segundo na napatayo ako nang makita ko ang imahe ni Brant sa monitor kasama ang kanyang mga tauhan. Nagsibagsakan ang luha ko nang makita kong buhat-buhat ni Brant si Treyton. Dali-dali akong lumabas ng monitoring room.

"Mommy------"

"Treyton anak!" agad akong lumuhod at sinalubong ng yakap ang anak ko. Hindi ko na rin napigilan na magsibagsakan ang luha ko.

Wala na akong pake kung may ibang nakakakita sa amin.

"Bakit ka sumama sa lalaking 'yon? Hindi ba't ang sabi ko huwag na huwag kang sasama sa hindi mo kilala? Ha? Para mo na akong papatayin sa pag-aalala anak ko" hinawakan ni Treyton ang pisngi ko at pinunasan ito.

"M-Mommy sorry po. Ang sabi niya po kasi ay dadalhin niya ako sa inyo"

"Kahit na! Hindi ka pa rin dapat sumama sa kahit kani-kanino!"

"S-sorry po Mommy. Sorry po talaga" agad kong in-inspection ang katawan ng anak ko.

"May masakit ba sayo? Nasugatan ka ba? Sinaktan ka ba nila?" agad na umiling ang anak ko.

"Wala naman po akong sugat Mommy. Niligtas naman po ako ni Daddy. Ang cool nga po niya kanina eh. Diba po Daddy?"

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa braso ni Treyton dahil sa sinabi niya.

Kinakabahan akong tumingin kay Brant at parang tumalbog ang puso ko nang makita ko ang seryoso niyang tingin. Nakakunot din ang noo niya na mas lalong nakapagpakaba sa akin.

"We need to talk Savannah"

The Mafia Boss' SonWhere stories live. Discover now