CHAPTER TWELVE :

296 40 0
                                    

AMANDA

Naglagay ako ng hidden camera sa tapat ng pintuan ng unit ko na katapat lang ng pintuan ng unit ni JAYDEE
Dahil dito makikita ko kung sino ang lalabas at papasok sa unit nya.

Maghapon akong nagtyaga maghintay at nakatutok sa monitor. Pero wala paring nangyayari.

Until 9pm...

Pagkatapos ng maghapong paghihintay.. Napatayo ako mula sa kinauupuan ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

May lumabas mula sa Unit nya pero alam kong sya yon dahil kilala ko pa rin ang mga anggulo at hubol ng katawan nya. Hanggang balikat nalang ang kanyang buhok na dati ay hanggang bewang.

Mangiyakngiyak ako sa tuwa ng makita ko ang pagharap nya sa camera. At syang sya nga..

Agad kong kinuha ang coat at black cap ko at sinuot ito.
I get my CAR key at agad na tumakbo palabas.

I see her walking in the hallway to the parking lot.

Binagalan ko lang ang lakad ko na medyo malayo sa kanya para hindi nya maramdaman na may sumusunod.

Until she went to her car at pinaandar ito. Sinundan ko sya gamit ang sasakyan ko.

Hindi ko alam kung saan sya papunta, sinusundan ko lang sya. Hanggang sa tumigil ang sasakyan nya sa isang BAR.

Iniikot ko ang kotse ko sa likod ng BAR para doon magpark. Pagkatapos noon ay nakafacemask akong pumasok sa loob ng BAR dahil baka may makakilala sakin..

I saw her sitting alone in a table. Iniikot ko ang paningin ko sa paligid nya dahil baka kasama nya ang mga katrabaho. Pumuwesto ako sa sulok ng bar para walang makapansin sakin. Pinagmasdan ko lang sya mula rito.

After a couple minutes, bakit wala pa rin syang kasama?
She drinking alone? Gusto ko syang lapitan pero hindi pwede. May gusto muna akong malaman bago ang lahat.

Ngayon ko nalang sya ulit nakita makalipas ang dalawang taon :( kaya ramdam ko ang pagkasabik ko sa kanya ng husto , gustong gusto ko syang hagkan at yakapin.
Noong malayo ako sa kanya, at dahil wala akong pagkakataon na magawa syang yakapin at pagmasdan ang maganda nyang mukha ng malapitan, iniimagine ko nalang. Ngayong malapit na ako sa kanya at may pagkakataon akong magawa yon, hindi ko sya magawang lapitan at sa malayo ko lang sya pinagmamasdan.

Lagi nya ba itong ginagawa ang maginom mag isa?

I saw a wine she drinking, THE VINTAGE, that's my favorite wine. Bakit yan yung iniinom nya ? Means ba non hindi nya ako nagawang kalimutan? O nagkataon lang?

Halata sa kanya ang bahagyang pagkahilo. Umiindak sya kasama ang tugtog tila nageenjoy sya magisa. Labis akong nakakaramdam ng awa at gusto kong maiyak :(
Nasanay na syang magisa dahil wala ako. I'M SORRY JAYDEE T_T

Dahil sa hindi ko mapigilang emosyon ay naglakad ako papunta sa tapat nya. Hinubad ang aking facemask at tinitigan sya mula rito. Hanggang sa magkasalubong ang aming mga tingin. Labis ang kaba ko ng makita nya rin ako

"AMANDA?" Basang basa ko ang pagbuka ng kanyang bibig na binanggit ang pangalan ko.

Halata sa kanya ang pagkagulat na may halong pagtataka. Halata sa mukha nya na parang hindi sya naniniwala na ako nga ito.

HON AKO TO' NANDITO NA KO :(
gustong gusto kong sabihin yon sa kanya.

Nanatili kaming nagkatitigan ng ilang minuto. Natauhan ako bigla dahil sa ginagawa ko. Napayuko ako. At saka tumalikod sa kanya. Ramdam kong hahabulin nya ako kaya mabilis akong naglakad palabas sa Likod ng BAR.

Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha sa aking pisnge. Dahil sa pag habol nya sa akin at pagtatago ko sa kanya ay nagfflashback sa akin yung oras na pasakay ako ng jet at nakita ko sya sa loob ng airport na pilit akong gustong habulin. Parang ginagawa ko ulit sa kanya yon. T.T Nasasaktan ako

Agad akong sumakay sa kotse ko na kanina ay ipinark ko dito sa likod ng BAR. Mula dito sa loob ng kotse ko ay nakita ko syang lumabas sa likod ng BAR at tila hinahanap ako. Dahil sa sobrang awa ko sa kanya ay hindi ko napigilang umiyak ng husto.

SORRY T_T

Nagising akong nakayakap sa manubela, 12:00 midnight. Nakatulog pala ako dito dahil sa kakaiyak dala na rin ng walang tulog maghapon dahil sa pagaabang ko sa kanya sa monitor ng hidden camera. Nandito parin ako naka park sa likod ng BAR.

NASAAN NA KAYA SYA? Binuksan ko ang engine ng sasakyan at agad na pumunta sa harapan ng BAR. Bigla kong naapakan ang preno dahil sa nakita ko.

I saw JIE with JAYDEE. Akay akay ni JIE si JAYDEE sa kanyang balikat.

Hindi ko maiwasang hindi magisip, bakit hindi si RUTH ang nagsundo sa kanya kung talagang walang namamagitan sa kanila? Bakit si JIE??

Isinakay nya si JAYDEE sa kotse. Naalala ko yung panahon na ginawa ko rin to sa kanya. THAT TIME NAREALIZE KONG MAHAL KO SYA , DAHIL SA GABING YON ANG DAMING NAGBAGO SA AKIN.

Ang sakit lang isipin na may iba ng gumagawa nito sa kanya.

Nagsimula nanaman pumatak ang mga luha ko.

Nakita ko ang pagalis ng kotse ni JAYDEE na dinadrive ni JIE. Agad akong sumunod dahil doon rin naman ang uwi ko.

Habang nagmamaneho ako ay kasabay ng bawat patak ng luha sa mga mata ko.

Ang sakit... Ang sakit makita syang inaalagaan ng iba.
Pero ano nga bang magagawa ko? Ako ang Nangiiwan sa kanya kaya hindi ko sya masisisi kung si JIE man ang nasa tabi nya nang mga panahon na yon. At kung si JIE na nga ang bago nyang mahal.

Dahil sa iniisip ko ay halos parang ayoko ng tumigil sa pagiyak..

Nang makarating na sa parking area ng condominium ay inalalayan pa rin ni JIE si JAYDEE pasakay ng elevator. Nanatili akong nagtatago sa kanila habang patuloy na nakasunod.

Nang pumasok na silang dalawa sa loob ay labis akong nanlumo. Pagkapasok ko ng unit ko ay doon ko nailabas ang hagulgol na iyak na kanina ko pa gustong ilabas.
Napaluhod ako sa likod ng pintuan at niyakap ang aking mga tuhod.

NAPAKASAKIT. PARANG NAGLAHO NALANG LAHAT NG PANGARAP KO PARA SAMING DALAWA.

Naaalala ko yung mga panahon na nasa France ako  :(
sabik na sabik ako sa kanya, tiniis ko lahat ng lungkot, lumbay at pagiisa.

Nangarap ako para sa aming dalawa, at ngayon tutuparin ko nalang yun ng magisa :(

WHEN THE NIGHT SHE'S BACK ( JAYMY )Where stories live. Discover now