CHAPTER THIRTEEN : THE NIGHT SHE'S BACK

338 39 3
                                    

JAYDEE

Inihatid ko na si JIE sa pintuan para magpaalam sa kanya.

"Thankyou JIE. "

"Anything for you. By the way don't do it again." Paalala nya sakin.

Nakatikim ako ng sermon sa kanya dahil sa pagiinom ko sa BAR kagabe.

"Yes po. Sorry." I held her hand as my sincere apology.

"And don't be INSANE." Natawa ako sa sinabi nya.

Oo nga nababaliw na ata ako kakaisip kaya kung ano ano nalang tuloy ang nakikita ko. :3

"Sige na. I gotta go." Niyakap nya ako saglit at naglakad na pasakay ng elevator.

"Byeeee." Lumingon sya sa akin at Kumaway ako sa kanya ng nakangiti.

Dati hindi ako kumportable kay JIE lalo na kapag ang touchy nya sakin pero ngayon dahil halos lagi kaming magkasama parang nagiging kumportable na rin ako.

Pagsarado ko ng pinto ay nasa harapan ko pala si BALI naghihintay sakin.

Kinuha ko sya at kinarga.

"Are you hungry baby?"

BALI ALWAYS REMINDS ME OF AMANDA. Kaya lahat ng pagmamahal at pagiingat ay binibigay ko kay BALI.

Kinagabihan, maaga akong nagdinner kasi gusto kong magpahinga rin ng maaga.

"BALI Come here matutulog na tayoooo. " Sigaw ko mula sa loob ng kwarto habang inaayos ang higaan namin.. Nasa sala kasi sya. Mahilig kasi yon humiga sa couch.

Pero wala paring BALI ang nadating.

"BALI!?" Isang tawag ko lang don nalapit yun agad ah.

*MEEEEOOOOW*

Napanatag ako noong nagngiyaw sya.

"Come here BALI!" Sigaw ko ulit. Pero hindi pa rin sya nalapit, kaya noong tapos ko ng ayusin ang higaan ay lumabas na ako. Para kunin sya.

"What's wrong baby?" Hindi sya mapakali na parang may nakikita syang kakaiba.

Nakaramdam ako bigla ng takot dahil kaming dalawa lang naman ang nandito.

"Let's go inside." Sabi ko na pilit nilalabanan ang takot.

Pagkalapag ko sa kanya sa higaan ay bigla nanaman syang tumakbo palabas.

My ghaaaad BALI! Tinatakot mo talaga ko.

"BALI! COME BACK!" Wala akong choice kundi sundan sya..

O_____O

Labis ang kaba ko nang may nakita akong taong nakatalikod malapit sa pintuan na tila ay magtatangkang lumabas. Wala naman syang bitbit na kahit ano so this person is not interest to steal anything. Kaya pala hindi mapakali si BALI kanina dahil alam nyang may tao.

It's wearing a full of black and cap. Naalala ko bigla yung babaeng nakita ko sa BAR dahil sa suot nito.

"SINO KA?" Napatigil sya sa paglalakad at nanatiling nakatayo doon.

"SINO KA!? PAANO KA NAKAPASOK DITO!?" May kalakasan ang tono ko. Pero hindi pa rin sya nalingon sakin.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko bakit ganito?

"JAYDEE."

Her voice? Panooong?

No! JAYDEE baka nagiilusyon ka nanaman!

Habang unti unti nyang inililingon ang kanyang ulo ay mas lalong lumakas ang kaba na nararamdaman ko. Yung puso ko parang gusto ng umalis sa katawan ko dahil sa sobrang lakas ng tibok.

Hanggang sa tuluyan na nga syang humarap sakin.

SHE'S REAL!

Kitangkita ko ang bawat pag patak ng kanyang luha.

"AMANDA?" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman noong makita ko sya.

Totoo na ba to? O nagiilusyon nanaman ako!? Bakit ganito!! Gisingin nyo nga ako!

Napabuntong hininga ako.. at pilit nilalakasan ang loob, dahil sa mga oras na to' ay nanlulumo ako. Dahil sa pagkalito at hindi ko malaman kung totoo ba itong nakikita ko. SYA NA BA TO?

Kung ganon yung babaeng nakita ko sa BAR totoo?

Totoong sya nga yung nakita ko sa BAR. Pero bakit? Bakit hinayaan nyang hindi ako lapitan nung gabing yon?

"Jaydeeeeee......."nanatili akong tulala sa kanya ng banggitin nya ang pangalan ko.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Dahil totoo nga si AMANDA nga ang nasa harapan ko. Pero paano? Bakit? Bakit ngayon ka lang bumalik!?
Gusto ko syang yakapin pero nangingibabaw ang galit ko sa kanya dahil sa pagiwan sakin ng walang paalam.
At isa pa sinabe ko na sa sarili ko na WALA NA SYANG BABALIKAN! Dapat maging okay na ko!

"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" Malamig na tono ang binitawan ko. Para malaman nyang hindi ako masayang makita sya.

Umiiyak sya sa harapan ko. At hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiyak kagaya ng pagiyak nya.

"Im sorry....." Magtatangka sana syang lumapit sakin......

"Wag kang lalapit!..." Pagpigil ko sa kanya. Wala syang nagawa kundi ang ilagay ang mga kamay patakip sa kanyang mukha habang patuloy na umiiyak.

"Nagawa mo pa talagang bumalik pagtapos ng lahat?" Matigas na tonong tanong ko at iniiwas ang tingin sa kanya.

"Sorry JAYDEE. I'm sorry for leaving you......" Patuloy pa rin sya sa pagiyak.

SORRY IS NOT ENOUGH!

WHEN THE NIGHT SHE'S BACK ( JAYMY )Where stories live. Discover now