CHAPTER TWENTY ONE

306 53 6
                                    

JAYDEE

"Ayy wait, BABY I left the ball outside. Kukunin ko lang." Binitawan nya ang kamay..

"Okay." She gave me a smile bago sya tuluyang pumasok sa loob at ako naman ay agad nilapitan ang bola.

Noong nadampot ko na ang bola sa di kalayuan ay may dalawang lalaking tila ay inaayos ang motor ng kanilang bangka.

Sinubukan ko silang lapitan para tanungin kung anong problema at para matulungan ko, Bawal kasi silang magstay dito lalo na't puro babae kami. At ang isla na ito ay private property nila LANEY.

"Kuya, may problema ba?" Tanong ko sa isang lalaking nakaputi habang hawak ko pa rin ang bola.

"Wala na naman....." Noong pagkasabi nya noon ay hinila nya ang aking bewang, at ang isang lalaki naman ay hawak ang aking braso. Pilit akong nagpupumiglas sa kanila.

"BITAWAN NYO KO!" Nagpupumiglas ako pero napaka lakas ng lalaking nakahawak sa bewang ko.

"ANO BA!!!" Labis na ang takot na nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong to at kung anong gagawin nila sakin.

Sa di kalayuan ay natanaw ko si AMANDA'ng lumabas ng bahay.

"AMANDAAAA!!" Sigaw ko. Agad nya akong nakita at tumakbo sya papunta sakin.

"JAYDEE!" Rinig na rinig ko ang malakas nyang pagtawag sa pangalan ko.

Pilit akong nagpupumiglas pero tuluyan nila akong naisakay sa bangka...

"JAYDEEEEE!!!" Mayamaya pa ay gumana na ang makina ng motor ng bangka..

May naramdaman akong makirot sa aking balikat....  Pagtingin ko dito ay ang karayom na injection na itinurok sa akin ng lalaking nakaputi.

"JAYDEE...." Pangalan nya ang huli kong nabanggit bago ako tuluyang mawalan ng malay.

------------------------

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata at napaka dilim ng paligid. Ang mga kamay ko ay nakatali sa bangkong kinauupuan ko.

AMANDA... Sya ang unang pumasok sa isip ko. Dahil alam ko ang pakiramdam nya ngayon..
NASAAN BA AKO!?

Mayamaya pa ay bumukas ang ilaw. Nangmakita ko ang buong paligid ay para akong nasa isang maliit na kwarto.

Hinanap ko ang taong nagbukas ng ilaw pero ang pintuan ay nasa likuran ko hindi ako makaikot dahil nakatali ang aking mga paa at kamay sa bangko na kinauupuan ko.

"Ilabas nyo sya." I heard a woman voice from the outside of the room..

Who's that?

Ang dalawang lalaki kanina ay lumapit sa akin at itinanggal ang pagkakatali ko sa bangko. Nagpupumiglas ako sa kanila.

"LET ME GOOOO!" Pilit nila akong hinihila palabas ng Kwarto.

Pagkalabas ng kwarto ay may isang ginang na nakaupo sa harap ko pero nakatalikod sakin..

I guess .. this is AMANDA'S MOTHER..

Maya maya ay humarap ito... At hindi nga ako nagkamali..

Ito ang ina ni AMANDA.

"SIT." Alok nya sakin.

" Dahan dahan akong umupo."

Iba ang awra ng mukha nya, tila ay galit sya sa akin dahil sa panlilisik ng kanyang mga mata.

"A--anong k--kailangan nyo sakin?" Utalutal ko ng tanong sa kanya dahil sa labis na kaba.

Matagal nya akong tinitigan bago nya ako sagutin...

WHEN THE NIGHT SHE'S BACK ( JAYMY )Where stories live. Discover now