Chapter 15

54 5 0
                                    

Kabanata 15

Gustong Masolo



Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga rin akong nakapag-almusal kasama ang kapatid kong naka-pajama pa.


"Good morning, ate." he smiled bago ininom ang gatas niya.

Ngumiti ako at hinalikan ang pisngi niya, "Good morning, my baby. Why did you wake up this early?" sabay upo ko sa tabi niya.


Kumuha ako ng sliced bread at nilagyan ng cheese ang gitna ng dalawang piraso ng tinapay saka kinain iyon.


"I'm just... sad,"


Napatingin ako sa kapatid ko nang sabihin niya iyon. Agad kong inilapag ang tirang tinapay sa pinggan bago ko siya hinarap.


"Why? What's wrong, Axel?" nag-aalala kong tanong at hinaplos ang buhok niyang magulo.

Ngumuso siya at nagkibit-balikat.

"Because you will go to ate Margaux's birthday without me. Hindi niyo ako isasama." he pouted again.

Hindi ko napigilan ang ngumiti. Hinawakan ko ang pisngi niya bago ako ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"That's because you don't have a date. Kaya hindi pwede. Dito ka na lang and watch documentaries, okay?"

Umiling siya, "Do I have to get a girlfriend first? I want to go to the party!" aniya.

Sumimangot ako, "No, of course you can't have a girlfriend. You're only twelve years old. Kapag nag-twenty one ka na, doon ka pa pwedeng magpakilala sa amin ng babae." seryoso kong sambit.



Natahimik siya saglit at umayos sa pagkakaupo niya.


Ilang saglit lang ang lumipas ay hinarap niya ulit ako at tumango-tango.



"Okay, po."

Lumaki ang ngiti ko, "That's good, my baby boy." ginulo ko ang buhok niya.

"But answer me first, ate." sumeryoso bigla ang itsura niya kaya natahimik ako. "Do you have a boyfriend?" nanliit ang mga mata niya.



Suminghap ako at nag-iwas ng tingin. Hindi alam ang sasabihin. Gusto kong sumagot na 'oo, meron' pero hindi ko rin kaya kasi pretend lang kami ni Heeven. I can lie to anyone pero it's hard kapag sa kapatid ko mismo ako nagsinungaling.


I have never lied to my parents before. Well, a white lie, I guess. Pero iyong mabigat na? Nagawa ko lang magsinungaling sa kanila para hindi matuloy ang pagho-hold ng kasal ko sa isang hindi ko kilalang anak ng business partner namin. Dahil doon, nagsinungaling ako pero guilty ako. Pati na kay Axelius na masyado pang bata upang makarinig ng pagsisinungaling ko. It's hard.


Tumahimik na lang ako at hindi na sumagot. Hindi na rin naman niya ako kinulit. Kaya pagkatapos kong mag-almusal ay dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis.



Buong araw kong rine-view ang lahat-lahat ng mga lessons and topics namin kasi paparating na ang final exam kaya kailangan kong mag-focus. Tinignan ko na rin ang results ng sculpture namin ni Daryl. Kalalabas lang kasi ng scores namin last week and ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tignan.


Nanlaki ang mga mata ko nang makita na ang score namin.



"OH MY GOD!" sambit ko at lumipad ang palad ko sa nakaawang kong labi.



It's one hundred over one hundred! We got the perfect score! Ghad! Hindi ko in-expect iyon! Aminado akong mahirap gawin ang sculpture pero worth it naman pala! I just can't believe this!


Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon