Chapter 40

32 2 0
                                    

Kabanata 40

Won't Take No



"Is this really necessary?"


I still have second thoughts about what Heeven said.


Gusto niyang imbitahin lahat ng close sa akin. Ganoon rin raw sa kaniya, iimbitahin niya rin ang mga taong mahalaga sa kaniya.


Well, he just wants to bragged about me and his unborn child inside me.


Simula nang dumating kami galing sa Piantria ay lagi na lang siyang nakangisi at halatang masaya. Hindi ko na lang napipigilan ang punahin siya minsan kasi kahit na may kasama kaming iba ay ngiti pa rin nang ngiti. Minsan rin ay bigla niya lang kinukuha ang kamay ko at hahalikan iyon.




Sinasabayan niya pa ng, "Finally, napikot na kita." tapos ngingisi ulit.




Kaya ngayon, he wants to make an announcement to all important and close friends of ours. Halata namang gustong-gusto niya na kaya hindi ko na siya napigilan pa.




"What is really the event, Eve?" tanong ni Mommy nang makarating kami sa venue.



Unexpectedly, sa bahay ni Heeven na bagong gawa ang venue. Namangha rin sina Daddy sa kalakihan at kagandahan ng bahay na pinatayo ni Heeven noong una. Kagaya ko lang rin noon. Who wouldn't be amaze?




"Heeven wants to bragged about something."




I couldn't stop myself from smiling because I am excited. I wonder kung ano kaya ang magiging reaksyon nina Daddy. I'm sure na magtatampo sila kasi ang tagal kong inamin sa kanila ang pagbubuntis ko. Pero I am also sure that they would be happy. Lalo na ngayong hindi lang si Theon ang apo nila. May dadating na.




"Is it something really big na kailangan pa ng bonggang ambience?" ani ni Mommy nang makaupo na.




Sa malaking garden ng bahay ni Heeven ang main venue. Katabi naman nito ay ang music room na maraming musical instruments na naka-display. Sa dulo ay ang dalawang swimming pool. Iyong isa ay mababaw lang habang ang isa ay adult size and it was infinity-shaped.



Tinanguan ko si Mommy, "Yeah, Mom. It's something big." pa-mysterious kong sambit.

"Tita Fern!"



Napalingon ako sa bagong dating lang.

Theon hugged me tight kaya hindi ko napigilan ang ngumiti. Medyo nabawasan lang ang laki ng ngiti ko nang makita si Margaux na katabi ni kuya.




"Hi, Fern." aniya at ngumiti.

I gave her a smile, "Hi..." sagot ko na lang.




Sakto lang rin na dumating sina Lancy at Jared. Kasama nito sina Jashione at Lourvant tsaka isang yaya.




"Excuse me lang," paalam ko sa kanila bago lumapit kay Lancy.

Ashi gave me a peck on my cheek habang si Lourvant naman ay hinalikan ko sa pisngi.



"Ang bango-bango mo talaga, baby Lourvant!" ani ko.



I don't know why I couldn't stopped myself from smiling since baby Lourvant came. I just feel happy. Siguro ay dahil mas nae-excite akong manganak. Siguro ay sobrang bango rin ng baby namin ni Heeven. I'm sure of that!



"Alam niya na ba?" biglaang tanong ng kaibigan ko nang makahanap sila ng vacant table sa unahan.

"Ang alin?" I raised a brow.




Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon