Chapter 37

48 2 1
                                    

Chapter 37

For Myself




Buong gabi akong umiyak. Halos hindi ako nakatulog. Hindi ko pa rin matanggap ang lahat-lahat. Sa isang iglap lang, mawawala na si Theon sa akin. Hindi ako ang tunay niyang ina. Si Margaux iyon. Kahit ano pa man ang nagawa niyang kasalanan, siya pa rin ang nagluwal kay Theon. Wala akong laban sa katotohanang iyon.


Sa sumunod na araw, hindi ako pumasok sa Artiose. Inutusan ko na lang si Clara na asikasuhin muna ang gallery.

Medyo masama rin ang pakiramdam ko kaya mas lalo akong nawalan ng ganang pumasok.

Bumukas ang pinto ng kwarto ko. Hindi iyon naka-lock. Agad kong pinawi ang mga luha saka sinalubong ng ngiti si Axelius. Wala itong alam. Katulad noon, inosente pa rin siya sa mga nangyayari. Mas mabuti rin iyon.




"Are you okay, Ate?" tanong niya.

Umupo siya sa sofa ng kwarto ko at tinitigan ako.

I forced a smile, "Yeah, baby. Medyo masama lang ang pakiramdam ko pero okay lang ako." sagot ko.


Napahinga siya ng maluwag. Tumayo siya at namulsa. Nilapitan niya ako saka binalot ako ng mahigpit na yakap. Nagulat ako sa ginawa niya pero napalitan ang gulat ko ng lungkot nang maalala na naman si Theon.

"You can cry on me, Ate. Kahit anong oras. Kahit may ginagawa akong importante. Uunahin kita. I love you, Ate Fern."



Imbes na mapangiti sa sinabi niya, mas lalo lang akong napahagulhol. I was touched. Sobra. My brother is not a sweet-talker. Ngayon lang. Ngayon ko lang rin siya narinig na nagsalita ng maraming tagalog words. Maswerte ako sa kaniya kasi dahil sa kainosentehan niya, feeling ko ay may kakampi ako.



Sa sumunod na araw, text nang text si Heeven sa akin. Malimit lang siyang tumawag. Pero halos hindi ko na masundan ang lahat ng text niya kasi sunod-sunod lagi.




From: Heeven

Tell me if you need someone to talk to. I'm always available.



Iyon lang ang natandaan ko sa lahat-lahat. It made me smile pero pinigilan ko muna ang sarili na mag-reply.




"Fern?" tawag ni Mommy nang nasa loob ako ng walk-in closet ko.

"Mom?" sagot ko.

Pumasok siya at nagmamadali akong nilapitan. Kumunot ang noo ko.

"Nandoon si Heeven sa baba. Hinihintay ka. May lakad raw kayo?" aniya.



Nagkasalubong ang kilay ko. May lakad kami? Hindi niya sinabi. Kinuha ko ang phone sa bulsa. Halos mapaismid ako nang mabasa ang text niya. Halos twenty minutes ago na iyon.



"Yes, Mom." sambit ko saka bumaba kasama siya.

Nadatnan ko si Heeven na prenteng nakaupo sa sala namin. Halatang hinihintay ako kasi agad siyang tumayo nang makita ako. Saan naman kami pupunta?

"Let me leave you two." paalam ni Mommy.


Nang makaalis siya ay binalingan ako ni Heeven. Pinaikot niya sa daliri ang susi ng kotse bago ako tinignan.


"Let us go?" aniya.

"Huh? Saan? Teka. Hindi pa ako nakakapagbihis." ani ko.



This is so sudden!


Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.




"Okay na iyan. Maganda ka naman kahit ano ang isuot mo. Kahit nga wala kang suot ay maganda ka pa rin--"

Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon