Chapter 21

47 3 0
                                    

Kabanata 21

Plans and Lies


Jared and Lancy's wedding day came. It was a sunny day and the skies were clear as seawater of a beach. I was sure that many would come; their friends, staffs in agencies, and their fans who would just stay outside the church. Well, hindi dapat natin kalimutan ang mga reporters from various news centers and broadcasting stations.


As of the moment, nakapikit ang mga mata ko habang mine-make-upan ng make-up artist ng Crystal Agency. I'm the bride's maid while Gian is the best man. Sila ang pumili sa amin.

Ang mga maid of honors naman ay galing sa family ni Lancy at 'yung mga groom's men ay mga kaibigan ni Jared. While the ring bearer, coin holder, and flower girls were chosen by random sampling galing sa mga business partners ng kaibigan ko.



"Done!" sambit ng make-up artist kaya agad akong nagmulat ng mga mata.


I stared at my reflection in the mirror in front of me at wala sa sariling napangiti. The make-up isn't that thick yet it looks fabulous. Frankly speaking, I became more attractive. Tss. I'm being full of myself again.



"Mauna na ako sa'yo, Ms. Gomez. Titignan ko pa kung okay na ba lahat." aniya.

Binalingan ko siya ng tingin at tinanguan, "Thank you," I gave her a smile.



Tumango lang siya at pagkatapos ay lumabas na agad ng room. Naiwan akong mag-isa sa room na iyon. Tinitigan ko pa ulit ang mukha ko. I can't get over. Tumayo ako at lumapit sa whole-length mirror sa gilid ko.


The motif of their wedding was ocean. That's why the women's dresses were mint-colored while the guys' were ocean blue. Ang style ng damit ko ay tube ang upper part and mahaba siya, maybe three inches above my toes and may slit siya sa left leg ko. Silky rin ang tela kaya mas gumanda. The dress was paired with three-inches silver high heels.


Bumuntong-hininga ako bago lumabas ng room na iyon.


Pagkalabas ko ng mismong ground hotel ay malayo pa lang, nakita ko na ang lalaking naka-ocean blue korean suit with the striped neck tie hugging his collar. It was paired with ocean blue slacks and below it was a dark blue leather shoes.

Nakasandal siya sa BMW niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa panga. He looked so gorgeous in his look pero wala lang iyon nang makalapit na ako sa kaniya.



Tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay, "Kanina ka pa?" tanong ko, trying to act like I wasn't swayed by his gorgeousness at all.

Imbes na sumagot, tinitigan niya ang kabuuan ko until his eyebrows creased and his jaw clenched.

"Something's wrong?" kunot-noo kong ani.



Nang hindi pa siya natauhan ay hinawakan ko ang balikat niya kaya natauhan rin agad.



"You look fine." walang-emosyong saad niya at umikot sa front seat para pagbuksan ako.



I secretly smiled. Tumikhim pa ako ng dalawang beses bago sumakay doon. Siya pa ang nagsara ng pinto kaya hindi ko na napigilan ang kiligin. Something is flying in my stomach again.



"Don't forget to wear seatbelt, Mrs. Cordova." he smirked at pinaandar na ang makina ng sasakyan.

I scoffed, "As if." sambit ko at isinuot na nga ang seatbelt.



As I was expecting, sobrang dami ng mga reporters na nasa labas ng simbahan nang makarating na kami doon. Nahirapan pa si Heeven na maghanap ng parking space since ang daming sasakyan na nakapark sa paligid. Nang makahanap na ay agad niya akong tinignan.



Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon