Chapter 17

53 3 19
                                    

Kabanata 17

Something's Off


As time passes by, I didn't waste my time. Araw-araw akong naghahanap ng available open space sa internet at kapag may nakikita naman ako, nag-e-email agad ako sa nag-post no'n. Wala pang nagre-reply kaya patuloy akong naghanap.

Naalimpungatan ako mula sa mahimbing na pagkakatulog isang gabi nang sunod-sunod na nag-vibrate ang phone ko na nasa gilid ng kama.

Half awake and half asleep ko iyong kinuha at unti-unting idinilat ang mata para makita nang mas malinaw ang text.


Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang pangalan ni Lancy sa notification ko. Dali-dali kong in-open ang text niya.


Something's off. Alam ko. Kasi Lancy isn't the type of person who would always call. Tatawag lang siya kapag alam niyang may problema ako, kapag birthday ko, and kapag may gusto siyang sabihin. Hindi siya tumatawag kasi busy siya. She's an actress and alam kong hindi madali ang buhay mo kapag pumasok ka sa industriyang iyon.


Medyo matagal na kaming nagkita sa personal at iyon ay ang pagkatapos ng graduation ko. Umuwi pa no'n si Gian kasi si Lancy ang nag-aya. Kung ako pa ang nag-aya sa kaniya ay siguradong tatanggi siya kasi busy pero kapag si Lancy, kahit busy pa siya, uuwi at uuwi iyon.

Napag-usapan lang namin no'n ang tungkol sa manager niya na hindi niya pa kilala and she's a bit nervous kasi baka raw mas malala pa ang personality ng manager niya kaysa sa kaniya and that would hurt her pride. I know her and she don't like being controlled.



Lancy:

Help me.


Iyon ang laman ng text niya na sobrang nakapagpakaba sa akin. Nanginginig kong di-nial ang number niya para tawagan pero habang hindi niya pa sinasagot iyon ay tumayo na ako at kinuha ang white hoodie ko sa cabinet. Isinuot ko iyon at kinuha agad ang cellphone mula sa kama nang sinagot niya na ang tawag ko.



"Lancy? Are you okay? What happened?! Where are you?!" sunod-sunod kong sambit.


Pabalik-balik ang lakad ko habang hinihintay siyang magsalita. Damn it! Kinakabahan na ako! Ano ba ang nangyayari at bakit 'help me' ang laman ng message niya? Wala naman sigurong masamang nangyari sa kaniya, hindi ba? Paano kung meron nga!? Darn!


"Fern..."


Natigilan ako nang marinig ang paghikbi niya. Her voice sounded so weak. She sounded so sound. Hindi muna ako nagsalita. Hinayaan ko siyang umiyak mula sa kabilang linya. Namumuo na rin ang luha ko sa mga mata.


I am not a weak person who cried immediately. Pero ibang usapan na kapag mga mahal ko na sa buhay ang naririnig kong umiiyak. Nanghihina ako kapag nanghihina sila. Gusto kong walang umiiyak. Gusto kong lagi lang masaya. Nasasaktan ako. Gumuguho ang mundo ko kapag may nakikita akong umiiyak sa isa sa mga mahal ko sa buhay.


I know Lancy. She is a brave person. Isa siya sa taong kilala kong walang kinakatakutan. Ang kinakatakutan niya lang ay si Jared. Walang nakakapagpasindak sa kaniya. Kahit sino ang iharap mo sa kaniya, lalaban at lalaban siya. Tatarayan niya lang ang kalaban. Hindi siya iyaking tao. Pero bakit ngayon ay umiiyak siya? Hindi lang iyak kun'di may kasama pang hagulhol na alam kong nahihirapan na siya nang sobra-sobra.



"What happened?" tanong ko agad nang tumigil na siya sa pag-iyak.

"P-Pwede mo ba akong puntahan ngayon? I-I'm here sa DCBAr. K-Kailangan ko ng kausap..." humikbi ulit siya.


Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon