Chapter 27

57 2 1
                                    

Chapter 27

You Can't Be Jealous



Hindi ko alam kung paano ako nakauwi noong gabing iyon. When I woke up, nasa kwarto na ako. Kahit na may hangover ay pinuntahan ko pa rin si Theon sa room niya, katabi lang ng room ko para makumpirmang nakauwi na rin siya.

Nadatnan ko siyang natutulog na kaya bumuntong-hininga na lang ako bago bumalik sa kwarto ko at natulog na rin.


"Inom pa,"

Inabot ni daddy sa akin ang gamot sa hangover. Tinanggap ko agad iyon at ininom na.

"Sorry, Dad. Hindi ko naman inakalang marami na pala ang nainom ko." paliwanag ko sa kaniya.

He sat in front of me before creasing his brows, "Did Heeven and you made up?" aniya.

Agad akong umiling.

"No? Why? You should reconcile. What happened three years ago is considered past now. You two should make up. Kahit friends lang."

I bit my lower lip, "Hindi pa nga siya nakakapag-sorry sa ginawa niya... I'm not yet ready to fix things with him. Besides, may sarili na kaming buhay. Ako, busy sa art gallery. Siya, sa girlfriend." I said as a matter of fact.


Sumang-ayon na lang si daddy sa sinabi ko.


That was the truth naman talaga. We parted ways. We have different lives now. Kaya dapat ay wala nang pakialamanan.

Just when I hope that I would never see him again, natupad nga. I have been busy for months sa gallery ko kasi rinecruit ko na iyong mga artists na tinuruan namin ni Clara na officially magiging artists na sa Artiose.

Alam kong sobrang saya nila sa opportunity na ibinigay ko kaya siguro ay sobra ang pagsisipag nila kapag oras ng trabaho.



"Mommy, I want to see Dad!" biglaang sabi ni Theon nang isang araw isinama ko siya sa art gallery ko.


I lost of words. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi naman gano'n kadali na hingin ang oras ni kuya lalo nang siya ang namamahala sa isang clothing line namin na men's clothes. Besides, alam kong mahirap para sa kaniya na makipag-usap kay Theon.


Kaya naman alanganin akong ngumiti bago hinaplos ang pisngi niya.



"Some other time, baby. Your daddy's busy pa." sabi ko sa kaniya.

He shook his head, "But I want to play with him!" he shouted.

Pinanliitan ko siya ng mga mata, "Theon, listen to me. You're smart. You understand daddy, right?" mahinahon kong sabi.


Natigilan siya sa sinabi ko. Nag-isip pa siguro saglit ng isasagot. I expected na aayusin niya ang sagot niya pero nagkamali ako.


"I won't! I want to be with my daddy!" inis niyang sambit bago tumakbo palabas ng opisina ko.


I sighed. Handling kids isn't really easy. Kung ano ang gusto nilang paniwalaan, iyon ang paniniwalaan nila. Figures. They're just kids. And Theon's a kid. Mahirap talaga silang turuan ng mga bagay na ayaw nilang ituro pa sa kanila because they believe that they know it all. Well, in fact... not.

Akala ko mawawala na ang inis sa akin ng bata nang umuwi ako sa bahay pero hindi niya ako pinansin nang pumasok ako sa kwarto niya para mag-good night. Sa halip, he pretended to be asleep.

Makakalimutan niya rin ang nangyari. Iyon ang inakala ko pero hindi nangyari. Lumipas na lang ang dalawang araw ay hindi niya ako kinausap man lang. Lagi lang siyang nasa kwarto niya. Hindi na lumalabas.

Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon