Chapter 26

65 4 0
                                    

Chapter 26

You're Really Drunk




Kinalimutan ko na lang ang naramdaman ko no'ng nagkita ulit kami ni Heeven. That was just a malfunction. I know.

Mas naging busy ako sa pag-aasikaso ng Artiose. Hindi lang kasi iyong mga artworks na naka-display ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.


Inutusan ko si Clara na gumawa ng association kung saan magvo-volunteer kami na turuan ang mga inspiring artists around Manila. Gusto ko sanang lahat kahit hindi taga-Manila ay turuan pero alam kong mahihirapan ang iba na pumunta dito sa layo ba naman ng lugar nila. Lalo na iyong mga taga-probinsiya.




"Madam, hinihintay ka na po nila." pagpapaalam ni Clara sa akin.



Tumayo na ako saka inayos ang pagkaka-tuck in ng black skinny jeans ko. T-shirt na kulay flesh lang ang suot ko ngayon pero iyong branded at pinaresan ko lang ng black skinny jeans then designer belt. I paired my attire with flesh stilletos.


Lumabas na ako ng room na pinagse-stayhan ko sa hotel kung saan ni-rent ko iyong buong fifth floor which is para talaga sa mga arts and anything to do with it.



"Good morning, everyone!" bati ko sa labing-dalawang artists na nakaupo sa kanila-kanilang upuan kaharap ang canvas na provided namin.



Tumayo sila at nagbigay-galang sa akin.


I gave them inspiring words bago idinistribute ang mga paints, pigments, at iba pang gamit sa arts.


Nagsimula na rin sila kalaunan.




"Kapag may tanong kayo, 'wag kayong mahihiya." sabi ko habang tinitignan ang ginagawa nila.

"Ma'am? Paano naman po kami hindi mahihiya, eh ang ganda-ganda niyo po." rinig kong ani ng isang binata.

Umiling agad ako, "Wala naman sa ganda iyon. Totoo. Kapag may tanong kayo, tanungin niyo ako o ang manager ko, si Clara." sabay turo ko kay Clara na nagdi-distribute pa rin ng mga gamit.



Nag-thumbs up siya sa akin bago kumaway sa mga artists. Kinawayan rin siya agad ng mga ito ay pagkatapos ay ipinagpatuloy ang ginagawa.




"May boyfriend na po ba kayo?" biglaang tanong ng babaeng teenager nang lumapit ako sa kaniya para turuan kung paano mas pagagandahin ang kulay ng painting niya.

Lumingon ako sa kaniya bago umiling.

"Talaga po? May kuya po ako, gwapo po iyon at malakas ang karisma. Hindi po kami mayaman pero sobrang sikap po no'n kaya ako nakapag-aral dito sa Manila sa tulong niya."



Nagulat ako sa biglaang pagke-kwento niya pero nakuha ng kwento niya ang atensyon ko.



"Saan ka nakatira kung ganoon?" tanong ko saka umupo sa sahig.

Napalingon siya sa ginawa ko at parang nagulat pa. Ngumiti na lang at hinintay ang sagot niya.

"Sa probinsya po. Sa Visayas." sagot niya at ngumiti.

Tumango-tango ako, "You're lucky, then kasi may kuya kang gano'n." sambit ko sabay kuha ng ash colored paint. I handed the pain to her. "Ito gamitin mo bilang pang-shadow." sabi ko saka tumayo na.

"So... Ano po? Interesado po kayo sa kuya ko?" pahabol niyang tanong nang akmang tutungo na sana ako sa katabi niyang lalaking teenager.




I immediately shook my head before giving her a sly smile. Bumuntong-hininga na lang siya at ipinagpatuloy na ang pagpipinta.



If I will just receive heartaches from loving a person, then I would rather not love... anyone.



Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon