Chapter 33

61 2 0
                                    

Chapter 33

She's Taken




"Kailangan ba talaga 'to, Lancy?"


Nilingon ko ang kaibigan kong busy sa pag-aayos ng mask niya. Nandito kasi kami ngayon sa mall at ang gusto niya ay magpagupit raw ako sa salon. Panay naman ang ayos niya sa sarili baka raw makilala ng mga tao. Artista pa naman.




Tinignan niya ako, "Oh! Akala ko ba nasabi ko na sa'yo earlier? Yes!" sambit niya saka ang inayos naman ay ang black wig.

I crossed my arms saka kinunot ang noo.

"Yeah, but... I'm not sure with this... and sayang if magpapagupit ako."




Hinawakan ko ang buhok ko na two inches below the waist na. Hindi naman straight iyong buhok ko kasi wavy sa dulo. Hindi pa ako nakakapagpaayos ng buhok ever. Kaya maninibago ako ngayon. I'm used to natural things.


Pinanliitan niya ako ng mga mata bago pumasok sa salon. Sumunod na lang din ako sa kaniya.



"Fern, you know my cousin, alright? He's a playboy. Gusto niya iyong mga maalaga sa katawan nila. Iyong maarte. In short, iyong ma-appeal!" aniya.

Nagsalubong ang kilay ko, "Are you saying na hindi ako ma-appeal?" seryosong ani ko.

Umiling agad siya, "Of course not! That's not what I meant, alright? Ang gusto ko lang sabihin na kung ise-seduce mo lang naman iyong pinsan ko, gawin mo na lang lahat! Ibigay mo!"

"Pero I don't think na--"

"Fern, isa... Or it's up to you kung hahayaan mo na lang na mahulog si Heeven kay Fiona..."




Natahimik agad ako dahil doon. I'm not really ready to seduce Heeven pero ayoko namang mahulog siya kay Fiona. Pero paano kung sila na talaga? Aish. Hindi. Tita told me. And narinig ko rin mismo kay Heeven na hindi siya galit sa akin. It means na hindi niya kinakampihan si Fiona. It means na may big chance ako sa kaniya.


I sighed bago inayos ang purse ko.

"Fine! Alright! Let's go, then."



And this time, I'm all ready. Wala na akong pakialam. Lulunukin ko na lahat ng pride ko. Kakapalan ko na mukha ko. Pero dapat ay prim at proper pa rin. Kaya ko namang pagsabayin iyon.



Hindi talaga ako komportable sa noong ginugupitan ako. Tutok na tutok lang ako sa salamin habang sinusuklayan, ginugupitan, at inaayusan ng baklang may-ari ng salon ang buhok ko.



Mahigit limang oras kami doon ni Lancy. Pagkatapos kasing gupitan ang buhok ko ay ang dami pang ginawa. Taga-balikat na lang iyong buhok ko na straight na straight na talaga. Kulay chocolate brown na rin iyon. At aaminin kong mas lumakas ang appeal ko sa new look ko. Bukod sa buhok ang nagbago sa akin ay nagbago na rin ang kulay ng lipstick ko.




"Hindi ba parang nagdurugo na ang labi ko?" tanong ko kay Lancy na patuloy sa pamimili ng kulay ng lipstick.

"Hindi nga." sagot niya nang hindi ako tinitignan.

I hissed, "Tignan mo muna kasi." sambit ko.



Nilingon niya ako saka umiling. Ngumiti siya bago itinaas ang matte lipstick.



"Buy this rin, ah."



Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag. She bought lots of lipsticks at halos pula lahat ng iyon! Hindi ako komportable sa kulay pula kasi hindi naman ako gumagamit ng light-gradient colors ng lipstick. Rosy red lang ang gamit ko kadalasan.



Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon