Chapter 24

48 2 13
                                    

Kabanata 24

Didn't Came From Me



Taking care of a child was never easy. I must admit. Twenty-four seven akong nakabantay kay Theon no'ng sanggol pa siya. I never had experienced in taking care a child before but I've got used to it since ako lang ang tanging makakapag-alaga sa pamangkin ko.



"Sandali lang..." mahinang sambit ko nang magising isang gabi si Theon.


Gaya ng ibang sanggol, he cried. Dalawa lang ang ibig sabihin kapag umiiyak siya. Either he's hungry or his diaper is already full.

Bumangon ako sa kama ko at agad na nilapitan ang crib niya na nasa gilid lang ng kama ko.

"Sshh... Tita's here na..." malumanay kong sambit.


He stopped crying when I touched his fingers. Napangiti ako at saka sinilip ang diaper niya kung puno na ba pero nang makitang hindi pa ay dumiretso na ako sa mini table ko saka nagtimpla ng gatas niya.

Binilisan ko ang pagtimpla kaya agad akong natapos. Binuhat ko siya saka umupo sa kama ko. Agad ko ring itinapat sa bibig niya ang gatas na iinumin.


I stared at him while he's sipping on his milk. I felt bad for him... Hindi niya man lang naranasan ang uminom ng gatas ng nanay niya. Lagi na lang artificial milk ang iniinom niya. We had no choice. It's not like some random woman would give him the milk he wanted. Darn, Margaux.



"You're done na? Let's sleep na ulit, okay?" sambit ko saka tumayo na.

I softly moved my body to make him sleep. Yinuyugyog ko lang siya lagi kapag alam kong kailangan na niyang matulog and in an instant, makakatulog agad siya. Doon pa lang ako nakakapagpahinga.

It was really never easy pero kinaya ko para sa kaniya. Kinaya niya nga na artificial milk lang ang iniinom, ako pa kaya na may muwang na at marami nang napagdaanan? Hinding-hindi ako susuko sa kaniya... kahit na mapagod man ako.


I was the one who witnessed him grow. I was the one who have got to see his first tooth then his first toothache. His first laugh. His first aggressive cry. His first pain. His first fever. Lahat ng importante at hindi, ako ang unang nakasaksi.


It was one fine day when he was two years old nang bigla kong marinig ang iyak niya.

Nasa kwarto lang kami no'n. Ako, nagbo-browse ng internet for unique ideas sa designs ng isang gallery. Siya, naglalaro lang ng miniatures ng mga superhero.

Agad akong tumakbo palapit sa kaniya at hinawakan ang noo niya.

"Darn. You've got a fever!"

Nataranta agad ako at kinuha ang purse ko sa gilid. Naiwan ko pa ang cellphone ko dahil sa pagmamadali. I asked for our family driver's help para kargahin si Theon nang dahan-dahan kasi kapag ako pa ang kumarga sa kaniya, baka mahulog siya sa sobrang panic ko.

Isinuot ko ang seatbelt sa kaniya saka tinitigan siya sa mga mata. Hinawakan ko ang pisngi niya at binigyan ng isang ngiti.


"You'll be fine, okay? You need to." sambit ko at nagkagat ng labi nang maramdaman ang panlalabo ng mga mata.


Mas natakot ako nang pagkarating namin sa pinakamalapit na ospital, nang akmang kakargahin ko na siya ay naramdaman ko ang pagtaas ng lagnat niya.



"Oh, no... Baby, nandito na tayo sa ospital. Hang in there, okay?" kagat-kagat ko ang labi habang bumabagsak ang mga luha sa mga mata sa sobrang kaba.


Never Say Never (Serie De Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon