Chapter 9

25 2 0
                                    

Gray is my first love, I used to tell people that whenever I got the chance. I'd introduce myself as his "Childhood sweatheart." and he used to laugh at it saying, "We're still young, binabakuran mo na agad ako," then he'll flash a smile.

Tuloy pa rin ang takbo ko, I'm so scared... I feel like a protagonist in a trailer movie, being chased by a murderer.

"Ahh!" Napasigaw ako nang may mabangga ako dahil sa kakalingon sa likod.

"What are you doing?" he asked.

I immediately hide myself behind him out of instinct, napakapit din ako sa damit sa bandang bewang niya.

"Anong--"

Hindi natapos si Gray sa pagtatanong nang nakalapit na si Kevin sa'min.
"Come on, baby. Don't play hard to get," naiiling na sabi niya.

"Tigilan mo na 'ko, panget mo!" I shouted, kahit pa nagmamatapang ako ay may halong takot pa rin, I know what he's capable of doing, he's stupid after all.

He was about to get me nang tulakin siya ni Gray palayo na ikinalaki ng mata ko.

"Anong problema mo, pare?" angas ni Kevin, habang tinataasan ng kilay si Gray.

"Are you deaf? hindi ba't sinabi niya nang lumayo ka?" Gray leveled his angst. Kahit gabi na ay kita ko ang masamang reaksyon ni Kevin.

"You don't live here, gusto mo bang tumawag ako ng pulis?" Gray threatened him, lalong bumakas ang galit kay Kevin.

"G*go, may araw ka rin," dinuro pa ni Kevin si Gray bago siya tumalikod at nag lakad umalis.

Napabuga ako ng hininga, saglit pa akong natigilan nang ma-realize ko na nakakapit pala ako sa damit niya na ngayon ay nalukot na.

Tumikhim ako, "Salamat, uwi na 'ko," I said at tumalikod na.

I heard him chuckle, "Ganon lang?" he asked. Gusto kong pansinin ang bihirang tawa niya pero nangibabaw ang irita ko.

"Ano gusto mo, kiss?" pabalang kong sagot.

Napailing siya, "You owe me one," he then smirked.

Napairap ako, nag pasalamat na ako ano pa bang gusto niya? He probably thinks I deserved it dahil hindi ako nakinig sakanila ni Blue?

"Sinasabi ko na nga ba, may utang na loob na naman ako," sabi ko at pinagkrus ang nga braso sa dibdib.

Natahimik siya at sumeryoso ang itsura, "Sana nagpahatid ka ron sa lalaking mahilig sa itim," sabi niya, obviously referring to Alyson.

Muntik na akong napairap pero naalala kong niligtas niya pala ako mula sa manyakis kong ex. "He has a name, and I'm not a baby para magpahatid pa," giit ko.

"Edi sana nagpasundo ka," sabi pa niya, as if may susundo sa'kin? nakakabobo naman 'to kausap, common sense naman may trabaho si Daddy, wala naman na si Blue.

"Don't worry about me Gray, we're not even friends for you to be. Tsaka parang hindi mo naman alam na walang susundo sa'kin?" sabi ko pa, gusto ko nang matapos ang conversation na 'to.

I saw his face darkened. "If that's the case then I'll just wait for you everyday para may kasabay ka pauwi," bigla niyang sabi.

Natigilan ako, parang nanumbalik lahat ng memories ko with him. How close we were, the bond we had, it's all gone. Pinipilit ko na rin 'yon kalimutan, kaya bakit ba ngayong nakakamove forward na ako ay bigla siyang lalapit?

"Hindi na, mukha namang natakot na siya. Susubukan ko nalang umuwi ng maaga," sabi ko at nag paalam na muli, hindi na siya nag salita pa o pinigilan ako sa pag alis.

Taming RedWhere stories live. Discover now