Chapter 26

47 5 0
                                    

"What are we going to do now?" Ahyin asked. Nasa meeting ulit kami with the management's Director. We were summoned again dahil trending ang picture namin ni Dino sa elevator.

Some are saying we should just admit our relationship if there really is, may iba naman na disappointed kay Dino.

"I'm sorry I slipped," sabi ko. That's what really happened, pero sa picture ay mukhang intentional ang harutan namin ni Dino, it's frustrating when media tries to trigger the fans to think malice of a person just because of a single photo. What's more irritating are the captions and the leading question. Is XYZ Dino and their young manager, Dating? Nonsense.

"Hindi talaga natin mapipigilan ang sinasabi ng tao, pero ano naman? bakit masyado na silang nakikielam sa personal na buhay natin?" si Yohan na kapwa may hinanakit din sa mga taong mapanghusga dahil sa issue noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Ahyin.

Tumikhim ang Director at mukhang may ideya na kung paano namin malulusutan ang issue.

"You have to date someone outside the industry," he said.

Natigilan kaming lahat, saakin siya nakabaling, para saakin ba ang sinabi niya?

"M-Me?" I asked, tinuro ko pa ang sarili.

Sarcastic na ngumisi si Dino, "I don't think that'll be of any help," matigas niyang sabi.

"Well, that's what I think of, kung mayroong karelasyon si Ms. Leon, the fans will be calmed as they will think she's taken anyway."

Huminga ako ng malalim, I don't think this makes so much sense pero hindi ko ma-deny na hindi ito effective. Most managers in the industry do these para hindi sila pag-initan, kadalasan ay sa mga sikat na artista o kaya kumumuha na sila ng mga may asawa talaga.

"The fact that she's single at malapit kayo sa isa't isa ang isa pang dahilan para maghinala sila," patuloy ng Director.

Natahimik kaming lahat. Hanggang sa natapos ang meeting at iyon na nga ang suggestion ng Director. I face palmed when it's just us.

"Paige," tawag ni Ron.

Ngumiti ako. "Now I feel like a celebrity," I joked, but in my mind iniisip ko kung paano namin i-aadress ang issue. We can't just ignore it lalo na at malapit na ang anniversary concert, people will bring it up over and over again unless we deal with it, which is what we are planning to do.

Matapos ang meeting ay dumiretso kami sa studio. Isa pang problema na malat si Ahyin at hindi sila makapag-proceed sa next song.

Natanaw ko si Isaac na nasa sulok at nagmamasid, hindi pa rin niya ako matignan ng diretso, I said I'm fine with their relationship but I think I made him uncomfortable for bringing that up randomly.

"Isaac!"

Nataranta siya at namula bago lumapit, natawa ako, he's an open book. Everything is written on his face, siguro kaya siya nagustuhan ni Blue.

"Did my brother contacted you?" I asked. I learned that Blue will be having a week leave from his work para i-celebrate ang birthday ni Dad next week at para makapag-pahinga. I'm sure he already have plans for his love.

Namula lalo si Isaac. "I-Inaaya ako sa birthday ng Papa mo," nahihiyang sabi niya.

"What? so he decided to out himself? Wow, he must be really into you."

Ilang minuto ko pang inasar-asar si Isaac nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang hindi inaasahang bisita.

Napatayo ako. "Aly? W-What are you doing---"

"Pareeee!"

"Boss Aly!"

Sinlubong nina Rona at Yohan si Aly na parang mga bata, yinakap at kumapit sa leeg na parang mga anak na nawalay sa ama nilang nag-abroad.

Taming RedWhere stories live. Discover now