"Red."
"Blue."
My twin and I greeted each other the moment I stepped in our house. Masaya ang bungad niya samantalang ako ay nakabusangot.
"What's with the face, aren't you happy to see me?" he asked and welcomed me with a hug, as usual. Ginulo pa niya ang buhok ko. He likes acting like a 'kuya' kahit kambal naman kami, nauna lang siya lumabas nang kaunti. Not that I dislike his maturity, minsan weird lang kung iisipin.
Umirap ako at pinagmasdan ang pananamit niya, he really did grew taller. Naiingit ako dahil nanatili ako sa 5'3, sa tingin ko ay nasa 5'11 na siya or 6'0 na if I'm not mistaken.
"I was supposed to watch a band performance," pagmamaktol ko. I promised the band, I'm also their number 1 fan so I'm supposed to be there.
"Next time, tell me ahead of time before coming," I said at pinagkrus ang kamay sa dibdib.
Kunot noo niya akong tinignan. "Ah, 'yong Alyson? 'di ba sinabihan ka na ni Papa na 'wag sama nang sama ron?" masungit niyang tanong, acting like an older brother again. This time, I don't appreciate his attitude.
I don't know what's his problem with Alyson, I get that he's worried pero hindi naman niya kilala 'yung tao. Isa pa, wala naman akong ibang kaibigan sa campus maliban 'yong banda nila. May mga nakakausap ako pero hindi ko sila close, I don't like investing in friendships lalo pa kung may ulterior motive naman sila.
Nakarinig ako bigla ng side comment. "She doesn't listen to anyone," singit pa ni Gray na nasa likuran ko pa pala. I hate that they are so like each other sometimes.
"Excuse me, nagkausap na si Dad and Alyson, and it's not like he's bad influence. He sings well and I enjoy their band's performances, hindi naman kami nagbibisyo," I told him, no, I told them. Kahit si Gray ay dapat malaman na ayos na kay Dad kahit minsan ay late na ako umuuwi dahil sa panunuod.
"Gabi ka na nga nakakauwi, isa pa, they are all men," litanya pa ni Blue.
I groaned. "So? Are you implying that if I'm left alone with boys, may mangyayaring masama sa'kin? Does that also applies to you and Gray? Or it's just your prejudice talking," I said.
I think I pushed Blue too much with what I just said kaya lalong sumama ang tingin niya sa'kin.
"Red, you have to understand that I'm just worried---"
I cut whatever he's saying. "Come on, pumunta ka lang ba rito para pagalitan ako, Asul? If that's the case, then leave it for tomorrow. I'm so done for today dahil sa isa riyan," reklamo ko at pagpaparinig kay Gray.
He only looks at me with no emotion, ayan, ganiyan na siya madalas.
Padabog akong umakyat sa hagdan, narinig ko pa ang buntong hininga ng kambal ko bago ako tuluyang nakaakyat. Siguro dala na rin ng pagod mga planong hindi natuloy kaya ako ganito umasta.
After fifteen minutes, I suddenly felt guilty of how I acted, I also missed my brother so as much as possible ay ayaw ko rin namang magbangayan kami. Sa totoo lang, kasalanan 'to ni Gray dahil napaka sumbungero niya, lahat ata ng galaw ko sa school ay sinasabi niya kay Blue. I find it odd na biglang close na sila, they used to not talk to each other. Blue lived here shortly, and Gray had always been quiet.
Strangely, they started talking because of me, ako palagi nilang pinagtutulungan, pinapagalitan, sinasaway.Honestly, malapit ko nang isipin na may relasyon sila lol. That would be funny, I mean, I'm not against homosexuality, it's just funny because it's them, and I used to like Gray.
Nang dumating si Dad ay nag hapunan na kami. Natuwa si Dad sa pagpunta ni Blue, nag kwentuhan sila tungkol sa school ni Blue sa kabilang city at kung kamusta sila ni Mom.

YOU ARE READING
Taming Red
Romance[R-18 - written years ago, a draft that I decided to publish; bear with errors. xoxo] Red, named after a color they said, I say it's a symbol of war, like the chaos in my head. I always find my name boring, but I liked the fact that my Mom thought o...