"I'm so hungry," reklamo ko, not to anyone, just voicing out what I feel.
Kasalukuyan kaming nasa club room para mag practice ng performance for foundation week. True to his words, Aly asked Dad a permission para payagan ako mag stay sa school after class and he agreed. Tumututol pa nga raw si Blue nang makarating sa kanya ang balita, but Dad assured him that Aly and the band will take good care of me.
"Anong gusto mo?" tanong ni Alyson na kasalukuyang binabalot ang gitara niya sa case.
Ngumiti ako ng malawak atsaka dinambahan siya sa likuran, isinakal ko ang braso ko sa leeg niya habang ginugulo ang buhok niyang naka-gel, "Wow, galante! Libre! Libre!" asar ko pa.
"Aray, Pula. Sandale, papatayin mo ba 'ko?" kinalas niya ang kamay ko mula sa pagkakasakal sa kanya atsaka hinimas ang leeg niya.
"Sus, bakit kase hindi nalang kayo?" komento ng isang kamyembro ni Aly na si Dino.
Umirap ako, "Stop with your nonsense, Dinosaur," sabi ko na nagpatawa sa iba pang miyembro.
"Rawr!" sagot niya lang, parang ewan.
"Parang gusto ko ng sisig," sabi ko. I miss eating sizzling foods, hindi naman ako maarte sa pagkain as long as it has a taste, and not bland.
Napalingon sa labas at kita ko ang ilang estudyanteng dumadaan. As usual, I saw some girls with lifted brows while looking all jealous of me. Tanaw kase ang hallway dahil ang kalahati ng pader ay made with glass.
"Gagalit na naman fan girls niyo," sabi ko at tumayo. Dinampot ko ang bag ko na nakapatong sa isang malaking speaker.
"Hayaan mo sila, 'pag inggit, pikit," Yohan said, the band's drummer, imitating a woman's voice.
Even though the students outside can see us, they cannot hear what we are saying. Obviously, we are in a band room, so naturally noisy kaya ang kwartong ito ay soundproof.
Natawa ako, "True." This is why I like having male friends, they are less problematic at nasasakyan nila ang ugali ko. Unlike girls na kinakaibigan ako dahil gustong itanong si Blue, or malaman ang mga bagay tungkol sa kaniya.
"Mag take-out pa ba tayo?" muling tanong ni Aly na ngayon ay nakagayak na at handa nang lumabas.
"'Wag na, dine-in nalang. Tara na," aya ko at kinuha na rin ang bag.
Nagsilapagan naman ng instruments sila Dino at Yohan, "Akala ko naman si Aly nalang bibili," reklamo ni Yohan.
Inirapan ko siya, "Ano ka, gold?" banat ko.
Nagtatawanan kami pag labas ng club room. Tingin ang salubong ng mga estudyante sa'min, which I understand. I am with the campus pride, the band XYZ na hindi pinag-isipan ang band name.
"Red, silipin mo nga kung may kulangot ako," bulong ni Dino habang tinatapik-tapik ang balikat ko, nanatili ang ngiti at tingin niya sa mga estudyante sa labas ng room.
"Ang dugyot mo!" bulong ko pabalik pero ginawa ko rin naman ang favor niya at tiningala siya. Matangkad siya obviously kaya hindi niya na kailangan pa mag effort para masilip ko 'yong ilong niya.
"Wala naman," sabi ko. Nag thumbs-up pa siya, napailing ako, tuloy ang lakad namin habang si Yohan ay busy sa kaniyang telepono.
"Napaka-harot talaga niya," rinig kong sabi ng isang babae.
Napahinto ako sa paglalakad, unconsciously. Napalingon sa'kin ang tatlo. I didn't intend to stop but I think my brain desires to punch the girl who just said that.
Lumingon ako at hinanap ang pinanggalingan ng boses.
Agad na nanlaki ang mata ng isang babae at napakapit sa kaibigan niya.

YOU ARE READING
Taming Red
Romance[R-18 - written years ago, a draft that I decided to publish; bear with errors. xoxo] Red, named after a color they said, I say it's a symbol of war, like the chaos in my head. I always find my name boring, but I liked the fact that my Mom thought o...