Kinabukasan, ganoon pa rin ang naging routine ko. Matapos ang klase ay pinaglinis na naman ako ng kung ano sa council office. Nakarating na sa school ang nangyari sa restaurant kahapon, but Gray made sure that everyone is behaving. Naglabas pa ng statement ang student council sa page nila. Puro hate comments tungkol sa'kin ang laman, todo tanggol naman sa'kin ang banda kaya natahimik na rin ang iba. Wala naman akong pakielam sa sasabihin nila, wala silang ambag sa buhay ko.
Inaasar na ako ni Yohan dahil hindi ako nakakapag-practice after class, kapag umaga lang minsan o kaya kapag break, or kapag absent ang prof.
"Paano ba kase 'to?" pabalang kong tanong sa isang officer, hindi ko naman kase alam paano mag photocopy gamit ang printer na meron sila sa office, nakikisabay lang ako magpa-xerox kay Aly o sa ibang member ng XYZ.
Community service pa ba ang tawag dito? ginagawa lang akong utusan ng hambog na presidente rito eh!
Bumuntonghininga ang officer, "Ganito po," turo niya sa'kin, hanggang sa siya na ang gumawa. May ganito pa palang kabait dito.
"Cruz, let her do that," biglang sabat ng maangas na Presidente, napakakontrabida kahit kailan.
I am already trying my best to be optimistic and see these tasks as a training ground, and he just had to ruin it.
Umirap ako, "I'm just asking for help, don't be so rude, Mr. President," reklamo ko, pero imbis na sagutin ako ay hindi niya ako pinansin at ibinalik ang baling sa ka-meeting niyang ibang officer.
Nagkatinginan pa kami nung Ahyin, as usual, nakangiti siya sa'kin, mas lalo akong nainis. Ang amo ng mukha niya, pwede na siyang gumanap na Mama Mary.
Uwian na dapat pero dahil nga may event next week, kailangan nilang mag-stay para asikasuhin ang mga booths at finafinalize ang location ng ibang club.
"'Yon, ang galing mo, Cruz! Thank you, marunong na 'ko!" natatawang sabi ko lalaking officer, tinapik ko siya sa braso. Hindi ko alam kung anong position niya dahil absent ako noong botohan, at wala naman akong pakielam kung sino mananalo pero sa tingin ko ay matalino siya.
Napakamot siya ng batok, "Isaac ang pangalan ko," mahinhin niyang sabi, in fairness, cute siya kahit medyo kulang sa laman. Gusto ko siyang ibulsa actually, tingin ko ay matutulungan niya akong i-solve ang mga problems sa calculus.
Ngumiti ako. "Okay. Thank you, Isaac," sabi ko pa, napatingin ako sa lamesa niya na katabi nung akin, ang dami niya rin palang ginagawa.
Tapos naman na ako sa pag aayos ng inutos sa'kin kaya naisipan kong tulungan siyang mag linis, hindi ba 'yon naman ang trabaho ko rito?
"Nakakahiya naman uhm...Red," namumulang sabi ni Isaac, ang cute niya talaga, feeling ko crush niya na 'ko. Can't blame him, I'm very charismatic and my long wavy hair makes up for my unwanted attitude.
Inipon ko muna ang mga papel at iginilid, naka stapler naman na 'yon kaya hindi 'yon maghahalo-halo.
"Ayos lang, mas gusto kita tulungan kesa sa hambog na presidente," bulong ko sakaniya, bahagya siyang natawa pero agad na tumigil nang tumikhim 'yung isa.
"Are you done?" tanong niya sa'kin, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa'min ang presidente.
"I am. So, pwede na ba akong umalis?" tanong ko pabalik.
Kumunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang mga papers na inaayos ko kanina, ilang beses niya 'yon pinaglipat-lipat para siguro humanap ng dahilan para pagalitan ako.
Muling bumalik ang tingin niya sa'kin, "Oh diba, tapos na," pagmamayabang ko.
"What about the shelves?" he probed.

YOU ARE READING
Taming Red
Romance[R-18 - written years ago, a draft that I decided to publish; bear with errors. xoxo] Red, named after a color they said, I say it's a symbol of war, like the chaos in my head. I always find my name boring, but I liked the fact that my Mom thought o...