25 - Two Years Later

1.5K 110 156
                                    






I wrote this part for the book, naisip ko lang i-post ngayon kasi gustong-gusto nyo lagi ng after story hahahaha dito ko lang kayang ibigay. As the chapter title says, this is set two years after what Allysa Santino thought would be her last day at St. Louie.

#TanginaMoNgaNoahReyes



25 - Two Years Later



"Hello, engineers!"



"Oh, here comes the sad boy," mahinang sabi ni Hailey habang pinapanood ang binatang kapapasok lamang sa coffee shop at ngayon ay papalapit na sa lamesang inookupa nila.



"I said hello," pag-uulit ng nakangiting si Noah. "No one's gonna greet me back?"



"Hi."



Natigilan ang binata noong narinig ang isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran. Unti-unti siyang lumingon at nakita ang dalagang may bitbit na isang tray na naglalaman ng apat na inumin. Nahigit niya ang kanyang paghinga noong nakita, sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, ang pares ng mga matang natatangi sa lahat.



"And here comes my girl," nakangising bulong din ni Arkin. Mabilis siyang nilingon ng katabing si Hailey at hindi pa man siya muling nakapagsasalita ay umurong na ang sinasakyan niyang wheelchair dahil sa lakas ng hampas nito. "That hurt! I was just kidding!"



"Make that joke again and we're done!" mahina ang boses na asik ni Hailey habang pinandidilatan ang binata.



Sarkastikong ngumisi lamang si Arkin saka umiling. "You're not breaking up with me."



Umirap lamang si Hailey saka muling ibinalik ang tingin sa dalawang taong hindi pa rin umuupo.



"H-Hi, Allysa," tila kinakabahang bati ni Noah sa dalaga. Kinailangan niyang huminga nang malalim bago naibalik ang sinserong ngiti sa kanyang mga labi. "Kumusta ka?"



Ngumiti rin si Ally. "Doing fine, I guess."



"Alam n'yo, puwede naman kayong umupo muna bago magkumustahan," pasaring ni Hailey sa dalawa.



"Ah, y-yeah," tila natauhang sabi ni Noah. Mabilis niyang kinuha ang tray mula kay Ally at siya na ang nagpatong niyon sa lamesa.



"Strawberry's mine," excited na sabi pa ni Hailey pagkakita sa mga inumin.



"Hindi mo pa nga ako binabati," biro ni Noah.



Bumalik ang inis na ekspresyon ni Hailey. "Late ka nanaman, Noah Reyes."



"Kalahating oras pa bago mag-start 'yong program, Engr. Concepcion."



"Bakit kasi hindi ka pa sumabay dito sa pinsan mo?"



"Nagmamadali si Engr. Rodriguez kanina para sunduin ang girlfriend niya."



Napalingon si Hailey kay Arkin. Magsasalita sana siya ngunit, sa huli, pinili niyang irapan na lamang itong muli.



"Kinginang 'yan!" Sarkastikong tumawa si Arkin. "Pilay ako pero nagmadali ako para sa girlfriend ko, tapos wala akong kiss!?"



Nanlaki ang mga mata ni Hailey. "Arkin, you stupid jerk, people might hear you!"



Sa halip na tumahimik, huminga pa si Arkin nang malalim, naghahanda para muling sumigaw. Itinaas niya ang kanang kamay saka itinuro si Hailey, habang inililibot ang tingin sa iba pang mga customers sa loob ng coffee shop. "Girlfriend ko 'to, normal namin 'yong ginagawa!"



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon