5 - Eye to Eye

1.3K 95 80
                                    

5 - Eye to Eye



"This is bullshit!" nag-iigting ang mga panga na nasabi ni Arkin habang nakatingin sa mga cubicles, may sampung segundo matapos pumasok doon ang unang batch ng mga pares para gawin ang 'task'.


"This is hell," naiiling na dagdag naman ni Jerome habang nakayuko.


Napalingon si Arkin at lalo lamang siyang nainis noong mahagip ng paningin ang naka-partner niya na kanina pang umiiyak. Pakiramdam niya, bukod sa task ay mas takot pa ito dahil siya ang naging kapareha. "Hoy, Clarisse."


Halos gumapang paatras ang babae noong makitang nakatingin sa kanya si Arkin.


"Tsk. Hindi natin gagawin kung ayaw mo."


"P-Pero paano kung m-mamatay tayo—"


"Edi gagawin natin."


Lalong napaiyak si Clarisse kaya marahas na napabuntong hininga ang binata. "Tumahimik ka. Doon ka sa loob mag-ingay mamaya."


"Arkin," madiing tawag ni Kingsley sa binata habang binibigyan ito ng makahulugang tingin.


Lilingunin sana ni Arkin ang dating Student Council President noong isang ingay ang nakapagpatigil sa lahat. Noong naulit ang tunog ay sabay-sabay silang napatingin sa isa sa mga cubicles.


"T-They... Gosh, they're doing it!" Napapakurap na napasapo si Hailey sa kanyang noo. Di tulad nina Kingsley ay malayo sila sa mga cubicles ngunit kahit sa ganoong distansya ay rinig na rinig pa din ang ingay mula sa cubicle na iyon. Huminga siya ng malalim saka tinakpan ang kanyang mga tainga. "Gosh, my virgin ears!"


"Hailey, you're not helping," kalmadong pananaway ni Noah sa dalaga. Noong sumimangot lamang ito ay inilipat niya ang tingin sa kanyang ka-partner na tila may malalim na iniisip. "Hey, you okay?"


"I was thinki—" Hindi na natapos ang sasabihin ni Ally noong bumukas ang isa sa mga cubicles. Natahimik ang lahat dahil iyon ang cubicle na pinanggalingan ng mga ingay kanina.


Lumabas ang isang pares ng babae at lalaki, kapwa pinagpapawisan at hinihingal. Ngingiti-ngiti pa ang dalawa noong bigla na lamang silang humandusay.


Muling nagsigawan at nagkagulo ang mga kabataan. Bumukas ang iba pang cubicles at mabilis na lumabas ang mga naroon para maki-usyoso sa kung ano ang nangyari. Isa-isa din silang humandusay sa malamig na sahig.


Lalong nagkagulo ang mga kabataan. Tatlompung bangkay ang ngayon ay nasa harapan nila. Mabilis na lumapit sina Ally at tulad kanina, ang grupo nila ang nag-check sa mga katawang nakasalampak sa sahig at ngayon ay nababalot ng dugo.


"It's different," ani Noah matapos suriin ang sugat sa lalaki mula sa pares na pinaka-unang lumabas. "The bullet came from a longer firing distance."


"Still, it's one of us," sabi naman ni Vince na ngayon lamang muli lumapit sa grupo, kasama ang ka-partner niya na hanggang ngayon ay hindi niya kilala.

Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon