3 - Smokescreen

1.5K 113 56
                                    

3 - Smokescreen



"Huy."



Mula sa pagkaka-subsob sa kanyang mga tuhod, napa-angat ang tingin ni Ally. Tinignan niya ng masama ang katabing si Ella na kulang na lang ay kalmutin siya sa sobrang pangangalabit.



Bilang ganti, pinanlisikan ng mga mata ni Ella ang kanyang kaibigan saka niya ginamit ang kanyang mga labi para isenyas ang binatang lumapit sa kanila. Nagtatakang nilingon iyon ni Ally at napatigil siya noong bumungad sa kanya ang isang bote ng energy drink.



"Gumagana yung vending machine," tipid ang ngiting paliwanag ni Paul saka mas inilapit pa ang bote sa dalaga.



Hindi nag-react si Ally at nanatili lamang na nakatingin sa Babysitter's Club co-member niya, naguguluhan pa din kung bakit binibigyan siya nito ng inumin. Muli siyang nakaramdam ng kalabit sa kanyang tagiliran.



"Kunin mo, nauuhaw na ko," pasimpleng bulong ni Ella.



Napabuntong hininga na lamang si Ally saka tinanggap ang energy drink. Diretso niya iyong inabot kay Ella, hindi alintana kahit nakatingin pa din ang nagbigay niyon.



"Salamat."



"You're welcome..." Sandaling napakagat si Paul sa kanyang ibabang labi at napahigpit ang kapit sa isa pang bote ng energy drink na binili niya para sa sarili. "Ahm... a-ano..."



"Aalis ba kami dapat?" nakangising tanong ni Terrence. Bahagya pa siyang tumawa noong makita ang magkahalong gulat at pagka-hiya sa ekspresyon ni Paul. Tinapik niya ang balikat ni Ella saka tumayo. "Tara, gusto ko din ng inumin. Bili tayo."



"Ga-go," mabagal na sambit ni Ella dahil halos maibuga niya ang iniinom noong tapikin siya ng kanilang class president. "Ibuga ko kaya sa'yo 'to?"



"Tara na."



Pinanood na lamang ni Ally ang paghila ni Terrence sa nagmamaktol na si Ella. Napailing na lamang siya dahil kahit sa ganitong sitwasyon, pinagtitinginan ang dalaga dahil sa lakas ng boses nito.



"C-Can we talk?"



Muling naibalik ni Ally ang tingin sa binatang nakatayo pa din sa kanyang harapan. Kahit pa sa malawak na damuhan lang naman siya naka-upo, umusog siya ng kaunti. Naintindihan naman agad ng binata na umupo sa kanyang tabi.



"I saw everything you did this morning," panimula ni Paul.



"What did I do?" tanong ni Ally. Hindi sila close ng binata pero hindi rin naman siya bastos para hindi tumugon kung may kumakausap sa kanya. Isa pa, alam niyang hindi masamang tao si Paul.



Ngumiti lamang ang binata saka inabot ang hawak niyang bote kay Ally. "Di ko pa 'yan nababawasan."



Tinitigan lang ng dalaga ang bote. Lumipas na ang sampung segundo ay hindi pa rin 'yon inaalis ni Paul sa kanyang harapan. Bumuntong hininga siya saka 'yon kinuha.

Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon