18 - The Clueless Ones

1K 99 71
                                    

18 - The Clueless Ones



"Jerome!" Halos magkasabay na tinawag nina Paul at Lia ang binata noong tamaan ito ng tila maliit na bolang apoy. Dahil basang-basa ng gas ang buong kasuotan, saglit lamang ay binalot ng apoy ang buong katawan ng binata.



"Jerome!" Walang pagdadalawang isip na huminto si Lia sa pagtakbo at lumapit sa binata.



"Lia, sandali!" Patakbo ding lumapit si Paul habang hinuhubad ang kanyang jacket. Noong maabutan ang dalaga ay agad niya itong hinila patungo sa kanyang likod at siya ang dumiretso sa paglapit sa natatarantang si Jerome.



Gamit ang kanyang jacket, sinubukan ni Paul na apulahin ang apoy. Ngunit dahil sa lakas niyon ay nasunog din lamang ang jacket at agad niya iyong nabitawan.



"Jerome, lay on the ground!"



Napalingon sina Lia at Paul, parehong nagulat na huminto din pala si Vince sa pagtakbo at bumalik para tumulong.



"Lay down and roll over!" dagdag pa ni Vince ngunit tila walang naririnig ang binatang unti-unti ng nalalapnos ang balat. Huminga siya ng malalim at mas lumapit pa dito.



"Vince!" tarantang sigaw ni Lia noong walang sabi-sabing hinawakan ng binata ang nagliliyab na mga balikat ni Jerome at pilit itong itinulak sa lupa.



"Are you out of your mind?!" sigaw din ni Paul na hindi makapaniwala sa ginawa ng binata.



Tila hindi nakikinig si Vince. Lapnos ang mga kamay at tagaktak ang pawis, sinipa niya si Jerome na ngayon ay nakahiga na sa lupa. Paulit-ulit niya iyong ginawa upang gumulong ang binata hanggang sa naapula ang apoy. Halos nawala ang sapatos at sunog din ang pantalon ni Vince. Maging ang binti niya ay halos nabalatan.



"Why the hell did you do that?!" nangingilid ang mga luhang tanong ni Lia matapos saluhin ang binatang napaatras. Napapikit siya noong makita ng mas malapitan ang lapnos nitong mga kamay at binti.



"No one thought I could do that, huh?" Ngumisi si Vince. "This mind has got nothing. This body... could still help."



"H-He's gone," nanlulumong sabi ni Paul na siyang lumapit halos hindi makilalang katawan ni Jerome. Naihilamos niya ang mga palad sa sariling mukha.



Saktong ibinaba ni Paul ang mga kamay ay natanaw niya ang isa pang bola ng apoy na lumilipad patungo sa kanilang direksyon. Agad niyang nilingon ang tanstado niyang patutunguhan niyon. "Lia!"



Naging mabagal ang galaw ng paligid para kay Lia noong makita din niya ang bolang apoy. Tila nag-eecho ang bawat pagtawag ng papalapit na si Paul sa kanyang pangalan. Nakahiga pa din si Vince sa kanyang hita kaya mabilis niya itong itinulak saka siya pumikit.



"V-Vince!"



Agad na nagmulat si Lia noong marinig ang boses ni Paul na mababakasan ng magkahalong gulat at takot. Sandali pa siyang natigilan noong makita ang nagliliyab na binata sa kanyang harapan. Ilang segundo ang lumipas bago niya napagtantong walang bola ng apoy na tumama sa kanya dahil iniharang ni Vince ang sarili nitong katawan na ngayon ay nababalot na ng apoy.



"Vince! Vince!" Tarantang tumayo si Lia at sinundan ang binatang humakbang palayo at muling bumagsak sa lupa. Tuluyang tumulo ang kanyang mga luha habang pinapanood itong magpagulong-gulong. Gusto nitong mawala ang apoy, gusto pa nitong mabuhay. "Vince..."



"Lia, help me!" sigaw ni Paul matapos muling damputin ang kanyang jacket na kulay itim na ang kalahati.



Nanginginig ang mga kamay na inabot ni Lia ang kabilang bahagi ng jacket at sabay nila iyong ipinaypay ni Paul sa nagliliyab na katawan ni Vince. Bakas ang frustration sa mukha ng dalawa noong tumigil na ang paggalaw ni Vince ngunit hindi pa nila naaapula ang apoy.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon