12 - Three, Nine, Twenty

1.1K 108 80
                                    

12 - Three, Nine, Twenty



"Where the hell could those guys be?!" tanong ni Hailey gamit ang pagod niyang boses. Hindi pa sila nakakalayo mula sa Louie's Hall halos mamaos na siya sa pagrereklamo dahil sa gutom. "I'm so hungry na and now I have to walk to find them! Bakit kasi hindi marunong makinig?! Sinabi ng maghintay! Alis ng alis!"



"She really complains a lot." Bumuntong hininga si Ella habang nakatingin sa dating Student Council Secretary na nasa bandang unahan at kasabay maglakad ni Kingsley.



"She just says what she wants, but she's not a bad person," nakangiti namang sabi ni Lia. "She's still taking responsibility even though she's not an officer anymore. She's a true leader, right?"



Napalingon si Paul noong mapansing hindi na kumibo si Ella kay Lia. Kasabay niyang maglakad ang dalawang dalaga at pansin niya ang pagkurap-kurap ng huli noong hindi na ito pinansin ni Ella. Bumuntong hininga siya at ngumiti, siya na lamang ang nakipag-usap kay Lia. "Lahat naman sila. I mean, silang tatlo. Hindi nasayang ang boto ko noon."



Bahagyang napatawa si Lia. "I actually voted for the other party."



"Oh? Seryoso?"



Tumango ang dalaga. "It was so obvious which party will win. Everybody favors Kingsley. His members only got votes because of him, right Ella?"



Muling napalingon si Paul noong sinubukan ulit ni Lia na isali si Ella sa usapan. Halatang hinihila nito ang dalaga mula sa pag-iisip sa mga nangyari kanina ngunit hindi pa rin ito kumibo.



"Bumoto ka sa kabilang partido para lang may matanggap silang boto?" natatawang tanong pa ni Paul, pinapagaan din ang loob ng dalagang tila nakikipag-usap sa hangin.



Muling sumilay ang ngiti sa mga labi ni Lia at muli siyang tumango. "Candidates are not allowed to participate in the election. Getting zero votes would hurt."



Muling napatawa si Paul saka napailing-iling. "The famous Lia Andres is really an angel, huh?"



Napasimangot naman ang dalaga. "Famous?"



"Hindi ba?" Muling nilingon ni Paul ang kasabay niyang maglakad. "Kahit sa College of Nursing, kapag sinusundo ko si Mama, naririnig ko ang pangalan mo."



"Ngayong araw lang nalaman ni Vince ang existence ko."



"Si Vince Pascual 'yon. Not a news."



"Today lang din ako nakilala ni Allysa."



"That's Ally for you." Naiiling na napangiti si Paul saka bahagyang lumingon sa babaeng pinag-uusapan nila. "Pero, isang section lang ang Computer Engineering sa batch natin, diba? Magkaklase kayo?"



"Yeah." Nag-pout si Lia. "She's the Vince Pascual of our section."



Muling napatawa si Paul.



"Ang bilis mo namang naagawan, Einstein," pang-aasar ni Arkin kay Vince na kasabay niyang naglalakad sa hulihan ng grupo. Binigyan lamang siya nito ng nagtatanong na tingin. "Come on. Anyone with eyes can see that you like the girl."



"What are you saying?" kunot-noong tanong ni Vince.



"Wow. The Vince Pascual is clueless and is asking me a question." Lalong ngumisi si Arkin. "This feels good."



"Shut up, please."



Sabay na napalingon ang dalawa noong nagsalita ang nag-iisang babae sa kanilang unahan. Hindi ito nakatingin sa daan at mula noong nagsimula silang maglakad palayo sa Louie's Hall ay tutok na tutok ang mga mata nito sa screen ng sariling cellphone.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon