9 - Wits for Life (Part 4)

1.1K 101 37
                                    

9 - Wits for Life (Part 4)



| What comes next? |

| 31133119 |
| 31123110 |

| 13212321 |
| 19132112 |
| 132110 |

| 11131211 |
| 12131221 |
| 19111312 |
| 21121113 |
| 122110 |



"It's been twenty minutes! Come on!" Inis na napapikit si Hailey kasabay ng pagsapo niya sa kanyang noo.



"Hailey," mahinang tawag ni Kingsley sa dalaga. "Calm down."



"How can I calm the hell down when we're not sure if that stupid guy is safe outside?!"



"Masyado ka namang nag-aalala kay Arkin," nakangising sabi ni Jerome. Tumikhim siya noong sinamaan siya ng tingin ng dating Student Council Secretary. "Ang akin lang naman, mas kabado ka pa kaysa sa pinsan."



Napalingon sina Hailey at Kingsley kay Noah at natagpuan ang binatang naka-kunot ang noo habang naka-upo sa gilid ng stage. Nagkatinginan sila.



"Of course, there's no way he's not worried." Bumuntong hininga si Hailey. "He really shuts himself away from people when he's thinking."



"Go, try to comfort him," pabulong na utos ng dating Student Council President.



Bahagyang ngumiwi si Hailey saka umiling. "We're not that close to...you know what I mean."



Bumuntong hininga si Kingsley saka tipid na tumango. Muli niyang nilingon ang dating Vice President na halatang nasa malalim na pag-iisip.



"I don't," mabagal na sabi ni Jerome habang naniningkit ang mga mata. "I don't understand. The three of you were famous when we were students. You're always together. Almost everyone envied how close you are."



"We're really that famous among other students, huh?" Maarteng hinawi pa ni Hailey ang buhok sa kanyang balikat. "Well, we're close enough to joke around each other, but Noah is still a closed book to me. Yes, he considers me as a friend, but I don't have the permission to flip the cover. So, yeah."



Napataas ang mga kilay ni Jerome. "Misteryoso pala 'yang si--"



"Fuck!"



Gulat na napalingon ang lahat, hindi dahil sa biglaang pagsigaw sa loob ng tahimik na hall, kung hindi dahil hindi nila inaasahang maririnig nila ng ganoon kalakas ang boses ni Vince.



"You figured it out?" mabilis na tanong ni Ally.



Tumango ang binata saka madiin na nagsalita. "And I hate that I used more than twenty fucking minutes for this simple question."



Pinanood ng lahat ang paglapit ng nag-iisang Vince Pascual sa malaking screen sa ibabaw ng stage. Tinignan nila ang binata na para bang isang teacher na handa ng mag-discuss.



"The succeeding set of numbers just simply describes the previous set," panimula ni Vince saka itinuro ang unang dalawang numbers sa pangalawang set. "One and three literally says that there's one number three on the first set."



Napakunot ang noo ng lahat maliban kay Ally. Bagaman hindi nagpakita ng reaksyon ang kanyang mukha, naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Hindi niya rin matanggap na hindi niya nasagutan ang ganoon lang pala kasimpleng tanong.



Last Day at St. LouieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon