Chapter 22

465 11 0
                                        

Just I thought, internship will somewhat be bearable, I was wrong. Sobrang nakakapagod pa rin. There were days I just had one meal for the whole day, naranasan kong matulog na karton lang yung higaan, minsan sa sahig pa. Kung wala ng space, sa table lang minsan.


"Have you eaten?" Lance asked. Kaduty ko sya ngayong araw. Nakipagpalit kasi si Lou dahil pinapunta sya nung lolo nya sa bagong hospital nila.


"Bread lang kanina habang naglalakad ako papunta sa X-ray dept," sagot ko. "Ikaw?"


"Hindi pa. Nagluto ako. Baka gusto mo."


Ngumiti lang ako. "Hindi naman ako choosy."


We ate in peace, nakakapanibago. Hindi gaanong toxic ngayon sa ER. Mostly, dengue yung admission ngayon kasi maulan nanaman.


"Ano dinner natin mamaya?" Tanong nya nung nagliligpit na sya ng lunch boxes.


"I'm craving for sinigang na beef. Can you cook?"


He gave me a brief nod. For the whole day, halos paisa-isa lang yung admission, mabait pa yung residente at kinukwentuhan kami ng experience nya.


Naggrocery lang kaming dalawa tapos umuwi na. We asked Louisse if sasabay syang magdinner, sa Alabang daw sya uuwi. Si Trix naman nakaduty.


"Sa review ba, sasama sila Trix sa atin?" Tanong nya habang kumakain kami.


I was about to answer when we heard a knock. Tumayo sya at s'ya yung pumunta sa pintuan.


I turned around to see Chester looking at me intently. "You're here."


He wrinkled his forehead. I stood up to meet him. Bumalik naman si Lance sa upuan nya. I heard him offered Chester to eat, hindi man lang sumagot ang gago.


"Kumain kana?" Tanong ko. I was about to kiss his cheek when he captured my lips for a short kiss.


"Tapos na."


"Kumakain pa ako e. Sa kwarto ka muna?"


"Bilisan mo," he whispered. "Uwi tayo Taguig."


May duty ako bukas, pero for sure 'pag hihindi ako, maasar lang sya. Binilisan ko na lang kumain. Lance offered to wash the dishes kahit ako dapat kasi s'ya na nga nagluto. Pero dahil malamang naiinip na yung gago sa kwarto pumunta na ako.


Pagpasok ko pa lang sa kwarto, nakakunot na sya. Tss. Kung hindi lang 'to gwapo, nakakairita sana.


I sat beside him. "May duty ako bukas."


"Hatid kita ng maaga."


Nagpalit na lang ako at nanguha ng gamit ko for duty bukas. Bahala na, kaysa mag-away nanaman kami. I know he's exerting extra effort to see me too, despite the fact that he's also from his 72 hours of duty.


"Dapat hindi mo na ako pinuntahan, you looked sleepy." I commented when we were stuck in traffic in Shaw blvd.


"It's fine, as long as I get to see you," he said. "Wala si Louisse?"


"Ribbon cutting nung hospital nila sa Makati."


"May gusto kang kainin? Daan tayo." Biglang sabi nya kasi naputol yung usapan namin nung may tumawag sa kanya na tungkol sa endorsement.


"Gutom ka ba? Busog pa naman ako," Sagot ko. "I'm actually sleepy."


Tumahimik sya, dun ko lang din narealize yung sinabi ko. Ngumiti sya nung tumigil ulit kami sa intersection.


The Potential Between Us ✨ [MED SERIES 7] COMPLETEDWhere stories live. Discover now