Chapter 47

953 16 0
                                        

For the whole day, I just watched Kale play. Bagot na bagot ako, naisipan kong umuwi sa ancestral house namin dito pero hindi ako nirereplayan ni mommy kung andun ba yung ibang mga kasambahay.


"You okay, mommy?"


"Yeah, are you hungry? Let's have dinner? Daddy is not replying."


Hinatid ng isang kasambahay yung pagkain naming mag-ina, bilin daw kasi si Chester na 'wag akong hahayaang gumalaw. Napailing na lang ako sa mga pakulo niya, hinatid pa nga ng isang kasambahay yung blueberry ice cream ko.


Hindi ko na nahintay makauwi siya, dinala na ako ng antok. Nagising na lang ako noong naramdaman ko yung kamay niya sa bewang ko.


I slightly opened my eyes. "Bakit ngayon ka lang?"


"It was a long talk and all. Kumain ka ba?"


Tumango ako. "Ikaw? Kumain kana?"


"Kakatapos lang," bumangon siya.


"Where are you going?"


"Silly. I'll just wash up." He said smiling.


"Aalis ka nanaman?" Tanong ko noong nagising ako.


He went to kiss me. "Mauuna lang ako doon. Take your time."


"Saan?"


"Beach house. Family reunion, remember?"


"Sorry, sobrang antok ko pa," mahinang sabi ko habang nagkukusot ng mata. "Si Kale ba nasaan?"


"Sinama na ni Celine," sagot niya.


"Eh, bakit hindi na lang tayo magsabay?" Naguguluhang tanong ko. "Sabay na lang tayo."


"Fine," he conceded. "What breakfast you like?"


"Tocino yung hindi gaanong matamis, yung pampanga's best kaya? Spam yung lite?"


Natawa siya. "Specific talaga? Hindi pwedeng kung ano available?"


I rolled my eyes. "Nagtanong ka, hindi mo naman susundin."


"Fine, I'll ask manang. Halika na, ligo ka muna."


Mabilis kaming natapos maligo, 'pagdating namin sa kusina ay halos patapos naman na silang magluto. Sa dining table kami nagbreakfast.


"Yung spam, lite daw, pero yung tocino hindi ata tama brand, okay lang ba?" Nakangiting tanong niya.


"Okay lang. Sinong nandun sa resort?"


"Relatives both side," he answered. "Kain kana."


"Kelan tayo uuwi ng Manila? Gusto ng makita ni Kale yung kambal pati yung anak ni Kuya Ethan."


"Malay mo makita niya sa resort."


"What do you mean?" I asked.


"Nothing. Kain kana."


"Within this month daw magstart na yung construction nung bahay natin. At the mean time sa condo muna tayo, okay lang?" Tanong niya noong nalagay ko yung seatbelt ko.


"Roughly, how long will that takes?"


"A year or so, okay lang?"


I scoffed. "May magagawa ba ako? Ako ba yung engineer?"


The Potential Between Us ✨ [MED SERIES 7] COMPLETEDWhere stories live. Discover now