Chapter 33

516 12 1
                                        

Dahil limitado lang yung oras na magkasama pa kami ay talagang hindi na kami naghiwalay. Pagkagaling namin sa hospital ay dumiretso kami sa unit ko, he stayed with me even in idle hours until it's time to finally say goodbye.


"Ingat ka dito," marahang paalala ko. Mahigpit lang yung yakap nya sa akin na parang ayaw pa nyang umalis talaga ako.


"Ingat kayo dun," halos pabulong nya. I felt his kiss on my temple.


"Yeah. Hihintayin ka namin."


Nanatili kaming magkayap ng ilang minuto pa. Tahimik lang din naman si Dominique at Louisse na nakatayo sa gilid namin. Halos pigil namang tumulo ang mga luha ni Trix na sya namang yakap ni Jus. Gerard was silently leaning on my counter.


"I love you. Always remember that. Matatapos din 'to. Hintayin mo lang ako."


"I love you, too." I uttered gently.


Hindi na nya ako sinamahan sa airport, ayoko rin naman, baka mag-iyakan pa kami. Hinatid lang naman kami ni Dom tapos umalis na yung mga barkada namin.


Dumiretso kami ni Dom sa bagong bagay na nabili nila mommy. They were waiting for us, hinayaan lang naman nila kaming magpahinga nung nakarating kami. Dom will stay for a week, ewan ko nga buti okay lang kay Kassandra.


"Will Chester go here?" Mom asked when we were about to have our dinner.


"After daw po ng election."


"Papayagan ba syang pumunta dito? Considering na pati sila Clark damay sabi ng Tito mo."


I smiled. "He said, he'll come. If not, kaya ko naman po."


"We have to go back to Manila tomorrow. May emergency sa company. Your dad needs to go back. Will you be okay alone here?" She pushed further.


"I'll stay with her, Tita. I'll just inform Louisse to extend my leave." Dom uttered. Mom just nodded. Sobrang tahimik ni daddy.


The next day, my parents left early. They just left a note since Dom and I were still asleep. Puyat na puyat akong pumunta ng kusina. Dom, was busy preparing for our brunch.


"Ano plano mo? Dito ka lang hanggang manganak ka?"


I sat slowly on the stool infront of him. "I don't know. Lou, told me she can process my papers here. May hospital atang affiliated yung SAH dito."


"But, you still have to rest."


I briefly smile when he gave me a glass of milk. "Yeah. Maybe next month pa naman. Sure ka? Okay lang kay Kass na nandito ka?"


Pero ang gago hindi man lang ako sinagot, walang hiyang 'to! Dalawa na nga lang kami sa bahay e.


For a week, nasa bahay lang kami, nanunuod ng mga series sa netflix or nagpapaturo akong magluto sa kanya.


"Just a suggestion, bal. You really got no talent in cooking. Napakaalat."


Inirapan ko sya. "Okay naman, e."


Uminom sya agad ng tubig. "Okay? If Chester will eat your food for the next years, I swear he'll suffer from kidney failure or hypertension."


"Tss. Nakapaka-unappreciative mo. Buti natitiis ka ni Kass."


For a week, never ko pa ata sya nahuli na kausap yung girlfriend nya. Okay kaya sila?


The Potential Between Us ✨ [MED SERIES 7] COMPLETEDWhere stories live. Discover now