[12 | 십이] - Second Task

2.7K 74 37
                                    

[12 | 십이] - Second Task

Louchimi's POV

One week na rin agad ang nakalipas. Maraming mga bagay ang nangyari sa kanilang lahat. May naging awkward pero may mga naging sobrang close rin naman.

"Guys, tumawag na naman si Papa YG." Sabi ni CL na kakapasok lang sa kusina kung nasaan sila Bom na nagluluto ng tanghalian.

"What?! Not again." ToT Sabi naman ni Bom na biglang napatigil sa paghahalo niya ng minimix niyang mga ingredients.

"Bakit ba takot na takot ka yata ngayon kay Papa YG, Bom unnie?" Naiintriga na kasi masyado si CL sa mga ikinikilos ni Bom mula noong pumasok sila dito sa resort house na ito.

"Uy CL, Tama na nga ang tanong. Tulungan mo na lang ako dito sa binabalot ko ha? Diba favorite ko ito?" Sabat naman ni Dara dun sa dalawa, pakiramdam niya kasi nakakahalata na si CL sa mga sekreto nila Bom.

"A-ah. Okay!" Pagkatapos ay sumunod naman itong si CL kay Dara.

'Wooh! Buti na lang.' Parehas na sabi nila Bom at Dara sa kanilang isip ng mabaling ang atensyon ni CL sa ibang bagay.

"Dara!" Tawag ni Bom kay Dara bago sila makalayo.

'Thank you.' She mouthed. Thanking because Dara saves her again. Tumango na lang si Dara bago tuluyang ibinaling ang kanyang atensyon kay CL.

"Ay Dara unnie!"

"Bakit? May kailangan ka ba?"

"Wala naman. :)) Itatanong ko lang sana kung ilan taon na kayong magkakilala ni GD oppa. :)" Nahihiyang sabi ni CL but at the same time curious.

Ayaw niyang makaramdam ng kahit anong negative feelings kay Dara hangga't maaari pero pag naiisip niya na si GD at Dara ay may relasyon, hindi niya maiwasang mainis sa kanilang dalawa kahit pa kay Dara.

"Ten? Eleven? Nakalimutan ko na eh. Hahaha! Basta ang alan ko mahigit sampung taon na kaming magkakilala."

"Really? Sa tingin mo ba may gusto siyang babae ngayon?" Napalunok bigla si Dara sa tanong ni CL.

'Hutaena, matinding tanungan ito.' Sabi niya sa isip niya.

"Bakit naman sa akin mo tinatanong 'yan? Dapat sa kanya."

"Para kasing mas okay kung sa'yo ko itanong. By the way, kilala mo ba si Kiko?"

"Sinong Kiko?" Tanong ni Dara kay CL na naghihiwa na ng carrots ngayon.

'Babae ba 'yun o lalaki?' Naguguluhan si Dara pero parang mas nananaig yata ang pagiging clueless niya ngayon.

"Yeah. Siya yung Japanese model na na-link kay GD oppa dati. Oh my Dara unnie, you're so outdated."

'Am I really outdated? Tsk. Wala pala akong masyadong alam kay Ji.' Bulong ni Dara sa kanyang sarili.

'Mas marami pa yata akong alam dito kay Dara Unnie. 10? 11 years? Tss. I love you unnie pero mas mahal ko si GD.' Sabi naman ni CL sa isip niya.

"Hello world! Mga ladies labas na po tayo nandito na si Papa YG." Sigaw bigla ni Seungri kaya naman nagulat ang lahat. Naunang lumabas sila Bom, Minzy at Dara samantalang naiwan naman si CL sa kusina kasama niya.

"Tsk. Ang ganda ng timing mo, Seungri." Sabi ni CL kay Seungri na may halong frustration. Frustration, dahil hindi niya naituloy yung plano niya.

"Diba sabi ko sa iyo magmove-on ka na."

"Move-on without even trying to work out things? Nah. I don't think so."

"Ano bang gusto mo? Yung nasaktan ka pa? Alam mo Chaerin hindi mo kailangang gawin ito!"

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now