[S2.아홉] - Confrontation

1.1K 34 20
                                    

[S2.아홉] - Confrontation

Jiyong's POV

Tahimik lang ang lahat sa kotse. Ramdam ko ang mga tingin nila sa akin pero hindi ko na yun gaanong pinapansin. Nakafocus lang ako sa pagmamaneho ko ngayon para mabilis at ligtas kaming makarating doon sa venue.

Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko ang totoo. Halu-halong emosyon siguro.

"GD hyung, totoo ba talaga?" Sasagutin ko ba o hindi? Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit naman tumanggi ako ngayon, darating at darating pa rin ang panahon na malalaman nilang lahat ang totoo.

"Oo Dae. Tatlong buwan ng buntis si Dara ngayon." Napakagat na lang ako ng labi.

"Tatlong buwan niyo na palang tinatago." Wala akong makitang emosyon sa mukha ni TOP. Oo, alam kong nadismaya talaga sila sa akin dahil sa paglilihim ko yun.

Galit sila sa akin. Oo, pati rin naman ako ay galit sa sarili ko. Galit ako dahil hindi ko man lang napanindigan na maging isang mabuting lider sa kanila.

"Kelan mo 'to balak sabihin sa amin, Kwon Jiyong?" - Taeyang

"Sasabihin ko naman talaga sa inyo..."

"Kelan pa? Pag naging singlaki na ng pakwan ang tyan ni Dara?! Jiyong, bakit kailangan niyong itago sa amin 'to?!"

"Natakot kami ni Dara! Sa maaaring pwedeng mangyari sa kanya at sa anak namin pag nalaman ito ng iba! Intindihin niyo naman sana kami."

"Iba kami sa inyo? Wow naman. Di pala tunay na kaibigan ang turing mo sa amin eh."

"Wala naman akong sinasabing ganyan. Ayaw ko lang ipagsapalaran ang kaligtasan ng mag-ina ko pag nagkataon!"

"Hindi kita maintindihan!"

"Talagang di mo ako maiintindihan dahil wala ka naman sa sitwasyon ko!"

---

"Dito lang kayo." Sabi ko sa kanila nang maiparada ko na ang kotse.

"Hindi pwede, GD." - T.O.P

"Wag kayong mag-alala sa akin. Kaya ko na ito."

"Baka ma-issue ka pag mag-isa kang pumunta dun." Pilit niya.

"Tsk. Sige kayong bahala." Sabi ko tapos ay lumabas na kaagad ako at tumakbo papunta dun sa may backdoor.

"Sino po sila?" Tanong sa akin nung gwardyang nagbabantay. Tinanggal ko kaagad ang salamin na suot ko baka makilala niya ako kahit papano.

"May pupuntahan lang kami sa loob." Sabi ko tapos ay tinuro ko yung mga dressing rooms sa loob.

"Kayo pala Sir GD. May passes po ba kayong lahat?" Passes? Bakit ngayon pa sila naghanap kung kelan nagmamadali kami?!

"Wala eh. Pwede bang pumasok? Sandali lang naman kami, may pupuntahan lang kami sa loob." Palusot ko sa kanya. Sana naman umubra.

"Di po pwede eh. Mahigpit pong ipinagbabawal ng management yan."

"Saglit lang talaga kami, promise kuya." - Dae

"Hindi ho talaga pwede. Baka matanggal po ako sa trabaho niyan."

"Ganun ba?" - Dae

"Oho sir. Pasensya na talaga." Aish! Paano 'to?

"Ano dito na lang tayo maghihintay?" - Taeyang

"Hindi pwede. Kailangan kong makapunta sa kanila!" Oo! Buo talaga ang loob kong mapuntahan ang mag-ina ko.

"Wala naman tayong magagawa eh. Di rin tayo papapasukin." Tsk! Kailangang umisip ng ibang paraan! Kailangan namin ng Plan B par--

Ride or Die (Season 1 and 2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن