[20 | 이십] - Controversies

2.4K 76 27
                                    

[20 | 이십] - Controversies

Jiyong's POV

"Pirma na lang ho kayo dito." Sabi sa akin nung isang pulis habang itinuturo niya kung saan ako dapat pumirma.

Matapos ko kasing magpalipas ng magdamag dito sa presinto sa wakas, makakalaya na ako. 

Buti na lang at naiayos kaagad ni Manager yung mga documents para sa pagpyapyansa ko. Kaya naman eto ako ngayon makakalabas na ako dito.

"Salamat ho." Sabi ko naman sa kanya at naglakad na ako papunta sa may kotse ko.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ng presinto, mga nakabubulag na ilaw ng mga flash na kaagad ang sumalubong sa akin. Kasunod nito ang mga nakakabinging boses ng mga reporters.

"GD is it true na may relasyon kayo ni Dara?!"

"Are you involved in a accident together with Dara of 2ne1?!"

"Bakit may mga pasa si Dara sa kanyang katawan?"

"Bakit si Dara lang ang naospital?! Bakit hindi pati ikaw?!"

"Bakit ka nakulong?! Are you using drugs?!"

"Anong masasabi mo sa mga nangyayari sa inyo?!"

"Gaano katotoo na sinasaktan mo daw si Dara?" Biglang nagpantig ang tenga ko doon sa huling tanong na narinig ko. Paano nila naisip na sinasaktan ko si Dara? Paano nila naisip na kaya nilang gawin yun.

"No. Hindi ko sinasaktan si Dara. Hinding hindi ko yun magagawa." Pasimula kong sabi sa kanila. 

"Pero may relasyon ba kayong dalawa? Hindi ba bawal yun sa entertainment niyo?" Tanong sa akin nung isang reporter tapos ay itinapat niya yung mic sa may bibig ko.

"I will not confirm anything yet. Ang masasabi ko lang, si Dara ang nagpapasaya sa akin ngayon."

x x x

"Jiyong are you insane?! Hindi ko pa nga nababawi ang lugi na nawala ko noon dahil kay Dara tapos dadagdag ka pa?! Ano na naman yung sinabi mo sa media?!" Sigaw kaagad niya sa akin pagkapaupong- pagkaupo ko pa lang sa kanyang opisina.

"Papa YG, I'm so sorry pero si Dara ho talaga ang mahal ko." Nakayuko ko namang sabi. Nakita ko namang naikuyom ni Papa YG ang mga kamay niya.

"Mahal? Nagpapatawa ka ba ha?! Mapapakain ka ba niyang pagmamahal na iyan?! Alam mo naman na hindi pwede dito sa kumpanya ko yan!" 

"Alam ko ho yun at handang handa akong tanggapin ang anumang magiging parusa sa kalapastangan kong ito."

"Jiyong anong tingin mo sa akin? Itatapon ko na lang basta basta ang mga panahon at perang nagastos ko sa iyo? Hindi kita ginawang 'G-Dragon'  para lang sa wala. Kaya ko nga kayo pinadala at kinulong dun sa resort na iyon para maiwasang mangyari ito pero biruin mo mas lalala pa pala yang feelings niyo."

"A-alam niyo na ang lahat?"

"Matagal na. Pero mukhang hindi pa rin kayo natitinag. Jiyong, hiwalayan mo na si Dara kung ayaw mong siya ang mapatalsik sa 2ne1. Bibigyan kita ng dalawang linggo para makapagdesisyon. Hihiwalayan mo siya o siya ang magsasakripisyo para sa relasyon niyong yan." Pagkasabi ni Papa YG nun, sakto namang nagvibrate ang cellphone ko.

It's a message from CL.

GD oppa, nasaan ka na? Pupunta ka ba dito sa ospital? Si unnie kasi hinahanap ka. 

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now