Special Chapter 1: Corn

1.8K 51 4
                                    

Special Chapter 1: Corn

Louchimi's Note:

Oo na. Eto na ang special chapter na matagal niyo ng inaasam. Hoho. Broken hearted kasi ako kagabi sa ending ng story na binasa ko. Huhu! Nagsulat ako ng pampagood vibes ngayon.

Enjoy!

---

12:34 AM

"Jiyong, gusto ko ng mais."

"Ha?"

"Gusto ko ng mais! I want corn!" Napaupo naman si Jiyong mula sa kanyang pagkakahiga. Ganun din si Dara.

"Dara, saan naman ako kukuha ng mais dito ng ganitong oras?" Tanong ni Jiyong sa girlfriend niya.

Bumalik kasi ulit ang 2ne1 at Bigbang sa may beach house at obviously walang nakatanim na mais dun. Saka private property ang tinutuluyan nila ngayon kaya wala kang makikita na nakakalat na mga vendors dito.

Pinagbakasyon kasi muna sila dito ni Papa YG pagkatapos ng Family Concert nila last month.

"Teka Dara, bakit ka umiiyak?" Mas lalo namang napahagulgol si Dara dahil dun. Buti na lang at tulog na tulog na yung iba dahil sa kalasingan.

Nagbeach party kasi sila kanina at syempre dahil nasa mga wastong edad na, okay lang na uminom at maglasing sila. Well of course, except kay Dara.

Nagtaka nga ang lahat nang kumontra si Jiyong na uminom si Dara. Hindi pa kasi nila alam ang kalagayan ni Dara ngayon dahil hindi pa "daw" nakakahanap ng magandang tyempo si Jiyong para sabihin ito sa mga kaibigan nila anh tungkol dito.

"H-hindi mo na ako mahal... Huhu!"

"Ano? Teka nga! Ano bang problema?"

"Kita mo na! Sinisigawan mo na ako! Hindi mo na siguro ako mahal dahil lumolobo na itong tiyan ko!" Napapikit ng sandali si Jiyong. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili niya.

Sabi ng doktor ni Dara, masyado daw talagang sensitibo ang mga buntis lalo na sa mga unang tatlong buwan nito. Kaya naman kailangan talaga ng ekstrang pag-unawa sa mga panahong gaya nito.

"Dara, mahal kita okay? Pero hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha ng mais."

"May mais sa ref, Ji." Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Jiyong dahil sa sinabi ni Dara.

"Yun naman pala e--"

"Pero kay Bom yun."

"Dara, wag yun. Alam mo namang nagiging bakulaw yung si Bom pag may gumagalaw ng mais niya eh."

"Edi wag."

"Galit ka?"

"Hindi."

"Talaga?"

"Oo. May naalala lang ako."

"Ano naman yun?"

"Nung tumira kasi ako sa Pilipinas, may sinabi sa akin yung mga kaibigan ko dun na pamahiin tungkol sa mga buntis."

"Oh? Ano daw?"

"Pag hindi mo daw binigay sa buntis yung mga bagay o pagkain na pinaglilihian niya makukunan daw."

"Seryoso?"

"Oo. Pero pamahiin lang naman yun BAKA hindi totoo. Tulog na lang tayo. Hayaan mo na yung sinabi ko." Pero instead na humiga, dali daling tumayo si Jiyong mula sa kama nila at pumunta sa may pintuan.

"Oy saan ka na pupunta?"

"Wag ka dyang bababa. Kukunin ko lang yung mais. Baka mamaya ano pang mangyari diyan sa anak natin." Sabi ni Jiyong tapos ay pumunta na ito sa may kusina.

Ride or Die (Season 1 and 2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz