[19 | 십구] - Rumors

2.4K 73 9
                                    

[19 | 십구] - Rumors

Dara's POV

"Aww. Saan mo ba ako dadalhin?!" Nakakaloka itong babaeng ito. Bigla bigla na lang manghihila ng walang dahilan.

"Leche. Tumahimik ka dyan kung ayaw mong sungalngalin ko yang bunganga mo." Aba! At siya pa talaga ang may ganang magsalita ng ganyan?! Hanep ha!

"Kiko! Bakit ka ba nagagalit sa akin?! I didn't do anything against you!" Naramdaman ko namang humigpit yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"Anong wala?! Inagaw mo si GD sa akin! Tapos ngayon sasabihin mong wala kang ginagawa?!"

"Excuse me! Hindi ako mang-aagaw! Wala akong inaagaw sa iyo dahil simula pa lang akin na si Jiyong!" 

"Ang kapal ng mukha mo ha?" Sabi niya pagkatapos ay itinulak niya ako kaya naman napasubsob ako sa may sahig. T.T Aray!

"Sumusobra ka na! Aww. Wala kang karapatang saktan ako!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit kong makaupo kahit na hirap na hirap ako dahil nakatali yung mga kamay ko. Sadista na babae.

Sana... makapunta na dito kaagad si Jiyong. T.T

"Talaga? Sumasagot ka pang bruha ka ha!" Sabi niya sa akin then hinila na naman niya yung buhok ko.

"A-aray! K-kiko, ano ba kasing... kailangan mo sa akin?!!"

"Layuan mo nga si GD!!'

"Hindi ko nga kayang gawin yan!"

"Sige. Kung hindi mo kaya bibigyan kita ng option." Sabi niya tapos ay binitawan na niya yung buhok ko. Hay, buti naman. Ang sakit na ng anit ko sa kakasabunot nitong babaeng ito eh. Pasalamat talaga siya at nakatali yung mga kamay ko. >:(

"Option?! Ano naman yan?!"

"You choose between your friends and GD."

"Eh di ba parang yan din yung sinabi mo nung kinausap mo ako kanina?"

"Wag
magulo! Nagsasalita pa ako!" Tsk. Fine!  ~_~ Sungit.

"Okay as I said before, nasa iyo ang desisyon. It's up to you kung sino ang pipiliin mo. Kung sino ang mas mahalaga sa iyo." Pagkasabi nun ni Kiko ay bigla kaming nakarinig ng kalabog mula sa labas ng kwarto.

"Ma'am K-kiko! May paparating pong tao!" Sabi nung isang kasamahang lalaki ni Kiko habang parang nagmamadali ito.

"Ano?! Akala ko ba nagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo?! Akala ko ba safe itong lugar na ito?!"

"Ginawa naman po naman ang lahat pero—"

"Shut up!! You stupid idiot! Wala na akong planong makipagtalo sa iyo! Tumakas na lang tayo! Naihanda niyo na ba yung kotse dun sa may likod?!"

"Y-yes ma'am!!"

"Oh ano pang hinihintay mo?! Halika na tatakas na tayo! Ang bobo mo." Tatakas? O.O

"Hoy! Paano naman ako?" Sabi ko sa kanila habang nakatingala ako. Nakasalampak pa rin kasi ako sa sahig.

"Iiwan ka na namin dito, stupid! Bakit sa tingin mo ba ililigtas pa kita kahit na pinakidnap kita? Syempre hindi na 'no! Hahayaan na kitang mabulok dito sa kwartong ito. Hahaha! At ikaw naman *turo* Lumabas ka na at mauna ka ng pumunta doon sa kotse!" Sabi ni Kiko pagkatapos ay lumabas na nga yung lalaki. 

WAAAAH!! Paano na ako?!

"Kiko!!! Ano ba?! Huy!! Iiwan niya talaga ako dito?? Paa— hmm hmm hmm.." Bwisit na Kiko ito! Bigla niyang nilagyan ng packaging tape yung bunganga ko!

Ride or Die (Season 1 and 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant