[S2.여덟] - HMF

1K 34 12
                                    

[S2.여덟] - HMF

Louchimi's POV

"Dara, bakit nakaganyan ka?" Naka-oversized shirt kasi si Dara kaya naman takaw pansin talaga ito sa mata. Ang manager tuloy nila ay kanina pa iritang irita.

"Uhm... nilalamig nga po kasi ako." Pagdadahilan ni Dara kaya naman lalong umusok ang ilong at nagpantig ang tenga nito.

Napailing na lang sila Bom sa katigasan ng ulo ni Dara. Ayaw kasi nitong magpaawat kanina nung inaayos yung mga damit na isusuot nila. Ayaw talaga niyang isuot yung cropped shirt na naka-assign sa kanya.

"You're so ridiculous! Paano na lang ang sasabihin ni CEO pag nakita ka na ganyan ang suot?" Napatayo na ang manager nila mula sa pagkakaupo.

Maayos naman ang pakikitungo sa kanila nito kaso nga lang ay inis siya ngayon kay Dara dahil sa kakulitan nito at sa di pagsunod nito ng utos niya.

"Ako na po ang bahala sa kanya." Pamimilit naman ni Dara para lang payagan siya. Oo, desidido siyang umakyat ng stage at sumayaw na ganyan ag itsura.

"Bahala? Akong ang mapapagalitan dahil ako ang manager niyo." Napabuntong hininga na lang si Dara.

Ang hirap naman kasing pakiusapan nitong manager nila! Kulang na lang yata eh suhulan niya ito ng pera o gamit para lang pumayag.

"Promise manager-nim, ako na talagang bahala." Sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya na para bang nanunumpa sa watawat.

"Hindi pwede, magpalit---" Naputol ang pagsasalita ng kanilang manager nang makarinig sila ng katok. Bumukas ang pinto at staff organizer pala ng event ito.

"2NE1's next po." Agad na nataranta ang lahat. Maging ang manager nila ay nakalimot na sa issue nito sa damit ni Dara.

Nakahinga ng maluwag si Dara. Atleast nalusutan na niya yung request ng manager nila. Mukhang hindi niya naalala na may posibilidad din na mapanood siya ni Jiyong sa TV o di kaya naman ay makita siya nito sa mga SNS site.

Pinaakyat na sila sa stage. Rinig na rinig ang tilian ng mga fans at iba pang tao na dumalo sa music fest. Halos dumagundong ang buong lugar sa sobrang lakas ng hiyawan. Para ngang naging 2ne1 concert itong event sa sobrang dami ng Blackjack na umattend at nakisaya!

"2NE1! 2NE1!"

"WAAAAAHHHH!!"

"FOUREVEEEERR!!" Panay din ang pagwagayway nila sa mga lightstick na kanilang hawak.

Tumugtog na ang instrumentals ng fire kaya mas lalong lumakas ang sigawan.

"I go by the name of CL of 2ne1! It's been a long time comiiiinggg!!!" With that, nag-umpisa na ang performance nila.

Bigbang's Dorm

"Hyung! Halika dito dali!" Tawag ni Daesung kay TOP na kumakain sa kusina.

"Bakit?" Sabi nito tapos ay nagmadali siyang pumunta sa may sala.

"Heart Music Festival pala ngayon oh." Sabi niya sabay turo sa TV.

"Oo nga no. Sino representative ng company natin dyan?" Agad naman umupo si TOP at tinabihan si Dae sa sofa.

"Ewan lang. Wala namang sinasabi si Papa YG." Biglang silang napalingon ng marinig nilang bumukas ang pintuan.

*CREAAAK*

Pumasok sila Jiyong at Taeyang sa bahay.

"Graaaaaabbeeee! Sobrang nakakapagod." Daing ni Taeyang tapos ay agad siyang tumakbo papunta sa may sofa at sinasalpak ang sarili niya dito.

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now