[S2.둘] - SM Ent.

1.5K 47 24
                                    

[S2.둘] - SM Ent.

Louchimi's POV

Hindi maalis ang ngiti sa pagmumukha ni Dara ng matanaw na niya ang building ng SM Ent sa hindi kalayuan.

"Thunder-yah! Dalian mo naman magdrive!" Napakamot na lang ng ulo si Thunder dahil sa sobrang kakulitan ng kapatid niya.

Kanina pa kasi siya nito binu-bungangaan.

"Noona. Magrelax ka nga."

"No! Dalian mo na! Gusto ko na siyang makita!"

"Sino ba kasi yang gusto mong makita?"

"Basta." Sagot naman ni Dara.

"Basta? Wala naman akong kilalang 'Basta'."

"Thun, wag ka na ngang makulit."

"Noona naman kasi sabihin mo na sa akin."

"Ayaw ko nga. Makikita mo naman mamaya eh!"

Napailing na lang si Thunder at kumuha ng parking ticket dun sa may guard tapos ay naghanap na siya ng available 'slot' sa parking area.

Ligtas namang nai-park ni Thun ang sasakyan niya kaya nga lang...

"Nandito na tay-- Noona!" Hindi pa siya natatapos sa sinasabi niya sa kapatid niya eh bigla na itong lumabas ng sasakyan.

"Anak ng nanay namin talaga oh!" Dali dali namang sinundan ni Thun ang kanyang kapatid nang makita niyang papunta na ito sa loob ng building.

"Noona! Hintay!" Sigaw niya tapos ay patakbo niya itong sinundan papasok sa gusali.

"Uhm, miss..." Tawag ni Dara sa isang staff na nasalubong niya sa loob ng SM Ent.

"P-ppppoo??" Tila naman na-starstruck ito nang tawagin siya ni Dara.

Bakit ba siya nai-starstruck?

1. Dahil maganda si Dara.
2. Dahil artista si Dara.
3. Dahil YG artist si Dara.
4. Dahil sikat si Dara.
5. Dahil baby face si Dara.
6. Dahil dyosa si Dara.
7. Dahil kasama pa ni Dara ang kapatid niya.
8. Dahil nasa SM Ent siya ngayon!
9. Dahil wala na akong masabi kasi marami talagang dahilan kung bakit ka matutulala pag nasa harapan mo na ang isang Sandara Park.

Okay, moving on...

"Alam mo ba kung nasaan dito yung practice room ng mga artists?" Tanong niya dito.

Medyo marami na rin ang nakakilala sa kanya dahil wala man lang siyang disguise nung pumasok siya sa loob ng building.

"B-bakit po ba? A-ano pong k-kailangan niyo?"

"May bibisitahin lang." Madaling pahayag ni Dara dahil napapansin niya na rin na pinagtitinginan na siya.

'Putek! Dapat pala nagsumbrero man lang ako! Baka ma-dispatch na naman ako nito. ㅠㅠ' Bulong niya sa isipan niya.

"D-doon p---ppoo." Saad ng babae (na parang inaatake na yata?) sabay turo sa isang hallway na nasa may kanang bahagi ng building.

Tumango naman si Dara bilang tugon sabay sabi ng "Thank you."

"Noona."

"Oh?" Sagot ni Dara sa kapatid niya pero imbis na magsalita ito, inalis na lang niya ang sumbrero niya at isinuot niya ito sa kanyang noona.

Napansin niya kasi na kanina pa ito hindi mapakali.

"Paano ka?" Akmang ibabalik ni Dara ang sumbrerong nakasuot sa ulo niya nang pigilan siya ni Thun.

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now