[2 | 이] - 2ne1 and Bigbang

5K 137 25
                                    

[2 | 이] – 2ne1 and Bigbang

Dara's POV

"Oh? Anong nangyari sa mga mukha niyo? Bakit ganyan? Para kayong nakipaglamay." Bungad na tanong ni Papa YG sa amin pagpasok pa lang naming sa opisina niya. 

Ewan ko ba kay Papa YG, kaninang umaga bigla na lang nagpatawag ng meeting. Nasira tuloy ang mahimbing kong tulog.

Si CL kasi kagabi, ayaw niyang sabihin sa amin kung sino yung crush niya sa Bigbang. Kaasar! Buong gabi tuloy kaming nagbangayan tungkol doon. Sabi niya kasi ishe-share niya tapos hindi naman. Tsk. #Paasa

"Kay CL kayo magtanong, Papa YG. Alam na alam niya kung bakit." Sabi ko tapos ay umalis na ako sa harapan niya then umupo ako sa tabi ni Seungri. Oo nga pala, pati Bigbang pinatawag din. Pero sila Seungri at Daesung palang ang nandito.

"Chaerin, ano yung sinasabi ni Dara? Ano bang nangyari kagabi?"

"Aahm. H-haha! Wala yun, Papa YG!" Sagot niya tapos ay tumingin siya sa akin na para bang 'Lagot-ka-sa-akin-Dara-unnie-may- oras-ka-din' look.

"Paanong wala?"

*Creeeaaak*

"Yow!" Bati ni TOP pagkabukas niya ng pintuan. So, magkakasama pala silang tatlong nalate. Oo, tama ang nasa isip niyo. Sila TOP, Taeyang at G-Dragon nga ang tinutukoy ko.

"Bakit kayo late?"

"Natraffic kasi kami Papa YG, pasensya na." Sabi ni Jiyong pagkatapos ay nagbow. Well, Jiyong naman talaga ang tawag ko sa kanya.

 Wow naman. Kelan pa naging magalang ang isang ito?

"Jiyong, wag mo nga akong pinagloloko. Paano kayo na natraffic? Eh walking distance lang naman mula dito ang dorm niyo? Ang sabihin niyo, tanghali na naman kayong nagising!" Sabi ni Papa YG, tsk! kahit kailan talaga, hindi na siya nagbago. Siya at siya pa rin ang Jiyong na nakilala ko ten years ago.

"Hahaha! Relax lang Papa YG! Sige na sabihin niyo na kung bakit niyo ba kami pinatawag."

"Naku! Sige na! Magsiupo na kayo ng maumpisahan ko na ang sasabihin ko!" Sabi ni Papa YG kaya naman naghanap na ng mauupuan yung iba.

"Seungri! Alis ka diyan! Gusto ko dyan sa tabi ni Dara!" Narinig kong sabi ni Jiyong kay Seungri. Bakit? Ano bang meron kung dito siya sa tabi ko uupo?

"Ayoko nga! Dara noona, si GD hyung oh!" Sabi ni Seungri sabay yakap sa isang braso ko.

"Bakit ba gusto mo akong katabi, Jiyong?"

"Basta, wala ka na dun! Hoy Seungri! Palit na kasi tayo ng upuan! Ayaw mo ba doon sa upuan ko? Katabi ko si CL." Ewan ko ba kung anong masamang hangin ang dala nitong si Jiyong at napaalis niya si Seungri. Big deal na ba ngayong makatabi si CL?

"Uy Dara, kamusta?" biglang tanong sa akin ni Jiyong pagkaupo niya.

"Eto ganun pa rin. Ikaw, bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin ako ginagalang?" Sabi ko sabay tingin sa kanya.

"Hindi ka na nasanay sa akin. Sa sampung taon na pagkakakilala natin, alam mo namang naiilang akong tawagin kang noona diba?"

"Ewan ko sa'yo. Teka, kamusta na pala si Gaho?"

"Himala, kailan ka pa nagkainteres sa mga aso? Diba takot ka?" Sabi niya akin sabay ngiti.

"Ehem! Makinig naman sa kayo sa akin? Hindi ko kayo pinatawag para makipagtsismisan sa isa't isa." Ay leshe. Nakalimutan ko na si Papa YG.

"Okay, as I said earlier, meron kayong pupuntahan mamaya, and take note this is also included to your training. Oo, alam ko mga idol stars na kayo pero paminsan-minsan kailangan niyo ding ma-train. So I'm giving you one hour to pack up your things, pagkatapos nun bumalik kayo dito."

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now