[S2.하나] - Siblings

1.7K 50 9
                                    

[S2.하나] - Siblings

Dara's POV

Ohemgeee... Ang cute ni Channiieee... Yung tenga niya... *_____*

"Dara."

Ang cute niya talaga. *O* Kelan ko kaya siya ulit makikita?

"Dara, yung phone mo."

Huhu. Pwede bang ngayon na lang? Dalawin ko kaya siya sa SM Ent?

"Dara, yung cellphone mo nagriring."

Sige! Hoho. I like that idea!

"DARA!"

"Ay! Bunny ears!" Jusko! Napahawak naman ako bigla sa may dibdib ko. Wooh! Natakot ako dun ha! Nakakaloka itong si Bom!

"DARA! ANO BA? KANINA PA KITA TINATAWAG HA?" Sigaw naman niya sa akin. Tsk. Nag-away na naman kaya sila ni TOP?

"Sorry! Hindi ko napansin eh!" Sagot ko naman then bahagya akong napanguso. Wala lang, nagpapaawa lang. Sana umubra. Haha.

"Paano mo mapapansin?! Eh kanina ka pa nakatunganga diyan sa screen ng TV! Dara naman. Hindi ka ba nagsasawa diyan sa pagmumukha ni Chanyeol? Kanina mo pa pinapanood yang video clip na 'yan ha?"

"Stop that! Hindi nakakasawa ang mukha ni Channie!" H-how dare she... T____T

"Patay ka kay GD. Pag yun nagselos!" Bigla naman ako napatingin ng matalim kay Bom dahil sa sinabi niya.

"Edi magselos siya! *whispers* Hirap na hirap na nga ako ditong magbuntis."

"Ha? Ano yun?"

"Sabi ko, bakit mo ba ako tinatawag?!" Pagsesegway ko.

"Grabe makasigaw! Yung cellphone mo kasi! Kanina pa nagriring hindi mo naririnig!" Nagriring? Talaga? For real? Wala naman akong narinig.

"Ganun ba? Paki-abot na lang sa akin, Bommie. Salamat."

"Wow ha? Kung makapag-utos ka naman diyan!"

"Sige na hindi pa ako tapos kumain eh!"

"Ano ba yan Dara! Nakakadiri naman yang kinakain mo!"

"Huh? Hindi naman ha. Masarap kaya. Gusto mo ba?"

"Thanks but no thanks. Loyal ako sa mais ko."

"Fine." Sagot ko na lang tapos ay kumain na lang ulit ako habang pinapanood ko sa TV yung video ni Channie. *^*

"Pagkain ba talaga ang tawag mo diyan sa kinakain mo ha?" Natural naman, Bom. Magtatanong pa?

"Aba oo naman! Ano pa bang tawag dito?"

"Naninigurado lang. Mukha kasing hindi pagkain." Tinignan ko na lang siya ng masama then kinuha ko na yung phone ko at itinuloy ko na ang pagkain ko.

Ano ba ang masama sa pagkain ng ramen na may pepero? It's weird but para sa akin masarap siya... teka, maybe ngayon lang. Haha.

Habang nanonood ako, bigla namang nagring yung phone ko. Sinagot ko ito kaagad ng hindi ko man lang inaalis yung tingin ko sa TV. Nandun na kasi sa part na kino-close up yung tenga ni Channie.

Hoho. Ang cute talaga ng tenga niya.

"Hello?"

"Hello Noona!" OMG. Is this...

"CHANNIE!"

"Channie ka dyan? Sino yun? Si Thunder ito! Sarili mong kapatid hindi mo na kilala ang boses!" Thunder? O.O Agad ko namang binasa yung Caller ID. Hehe. Siya nga.

Ride or Die (Season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon