[18 | 십팔] - Prince Charming, Princess and the Witch

2.1K 81 46
                                    

[18 | 십팔] - Prince Charming, Princess and the Witch

Bom's POV

"Unnie, wala siya sa kwarto niya."

"Hala. Paano na yan? May comeback performance pa tayo mamaya!" Sabi ko naman pagkatapos ay napaupo ako sa may sofa. Saan naman kaya nagpunta si Dara?

"Wala ba kela GD?"

"Wala daw eh. Kakatanong ko lang kay Dae."

"Hay. Where is she? Ah teka! Tatawagan ko siya." Sabi ko naman pagkatapos ay nagmadali akong idial yung number niya.

"Ano na unnie? Nacontact mo siya?"

"Wala eh. Ring lang ng ring." Sagot ko naman kaya sabay na lang kaming dalawa ni Minzy napa-buntong hininga.

"Oh? Bakit ganyan mga mukha niyo? Para kayong mga namatayan." Bigla namang nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang boses ni CL. Naiinis ako sa kanya. Sobra.

Mula pa nung araw na naging makasarili na siya.

"Siguro nga. Kelangan pa naming mamamatayan para lang mapansin mong may mga bagay na nagbago na ngayon."

"Bom unnie, what are you talking about? Bakit meron na nga bang nagbago?" Tanong niya sa amin as if sarili ko yung tinukoy kong nabago.

"CL, marami. Isa ka na dun. Kelan mo pa nagawang ipagpalit ang kaibigan mo para sa isang lalaki?!" Sabi ko pagkatapos ay napatayo na ako mula sa pagkakaupo. Hindi sa may pinapanigan ako pero, alam kong sobrang nasasaktan si Dara at ang masama pa rito, si CL ang dahilan nito.

"Unnie, don't be ridiculous! Wag mo akong i-judge dahil hindi mo alam ang totoong kwento. Bakit? Hinusgahan ba kita nung nalaman kong boyfriend mo si T.O.P? Hindi naman diba?"

"Wag mo kaming idamay ni T.O.P dito!!"

"Kung ayaw mong madamay, wag mo akong huhusgahan at pagiisipan ng masama."

"Bakit jinujudge ba kita? I'm just stating a fact. You're planning to ruin Dara and GD's relationship! Kanyan ka na ba kadesperada?"

"Oo. Desperada ako! Bakit? Masama na bang magmahal ngayon?"

"Magmamahal ka na nga kang dun pa sa may ibang mahal! Paano kung magbreak sila ng dahil sa iyo?!"

"So kasalanan ko kung magbreak sila? Excuse me, sila ang may kasalanan nun dahil hindi nila kayang bigyan ng importansya ang isa't isa. Labas na ako dun." Grr. Nag-iba na talaga siya. Masyado na siyang nabulag sa kanyang pagmamahal para ka GD at humantong na sa ganito ang lahat.

"Oo nga. Pero hindi ibig sabihin nun eh kakalimutan mong kaibigan mo si Dara!"

"Matagal ko ng kinalimutan. Wala na akong pakielam sa kanya." Sabi niya pagkatapos ay muli siyang umakyat sa taas.

"Unnie okay ka lang?"

"Oo Minzy. Okay lang ako." Sagot ko habang nakatanaw pa rin ako sa may hagdan kung saan dumaan si CL.

Hay. Sana lang maisip niya na mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan kesa sa ibang bagay.

x x x

"T.O.P!" Bigla namang siyang lumingon sa akin. Nabigla siguro. Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na pupunta kami dito, well kasama ko si Minzy.

"Bom honey my labs so sweet, bakit ka nandito? Miss mo na ako?" Tanong niya sa akin pagkatapos ay inakay niya ako papunta sa may living room at pinaupo niya kami ni Minzy doon.

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now