[S2.일곱] - Doubts

1K 24 8
                                    

A/N: Pipilitin kong maging kumpleto sila. 😧😧 Kunyari walang umalis.

[S2.일곱] - Doubts

Louchimi's POV

Kinabukasan, maagang nagising ang lahat. Naunang bumaba sila Bom habang si Dara naman ay naiwan sa kwarto.

Agad pumunta si Dara sa CR nang masiguro niyang nasa baba na ang lahat. Nilock niya ang pintuan at ipinatong ang dala niyang pouch bag sa may lababo at binuksan ito.

Inilabas niya mula dito ang mga vitamins para sa kanyang pagbubuntis tapos ay binuksan na rin ang bottled water na hawak niya para mainom ang mga ito.

Ang hirap. Nasabi niya na lang sa kanyang sarili habang tinitignan niya ang repleksyon niya sa salamin.

"Ang hirap ng ganitong sitwasyon." Bulong niya at napa buntong hininga pagkatapos nito.

"Ang hirap na lang palagi." Agad pinunasan ni Dara ang gilid ng kanyang mga mata nang mapansin niyang may namumuong luha dito.

Bumaba ang tingin niya papunta sa kanyang tiyan.

"Siguro kung hindi maluwag ang suot ko ngayon, nabuking na ako." Sabi niya tapos hinimas niya ang kanyang tiyan gamit ang kaliwa niyang kamay habang nakalagay naman yung isa niyang kamay sa tagiliran niya.

"Dara?" Agad napaayos si Dara ng marinig ang tawag ni Bom. Inikot niya ang kanyang mga mata para makahanap ng lugar kung saan niya pwedeng itago ang pouch bag niya.

Wala kasing dapat makakita noon kundi ay mabubuko siya at malalaman na nila ang lahat.

Ayaw niyang mangyari yung dahil baka di niya magustuhan ang maging reaksyon nila.

"N-nandito ako sa CR!"

"Ano bang ginagawa mo dyan? Kakain na!"

"Wait lang! Medyo masakit lang yung ulo ko." Sagot niya tapos ay binuksan niya yung maliit na pintuan sa ibaba ng lababo at agad niyang ipinatong ang maliit na pouch bag doon sa pinakaloob.

'Wala naman sigurong magbubukas nito.' Isip niya tapos ay isinara niya na agad yun at lumabas siya sa banyo na para bang walang nangyari.

"Ang tagal mo namang lumabas!"

"Masakit nga ulo ko!" Pagdadahilan na lang niya sabay iwas ng tingin. Baka kasi mahalata nito na mugto ang mga mata niya.

"So may gamot sa CR?" Pamimilosopo ni Bom.

"Wala!"

"Wala naman pala eh! Bakit dun ka tumatambay?"

"Basta! Argh! Baba na nga ako!"

Dara's POV

"Dara unnie." Napalingon ako kay CL. Kakatapos lang naming kumain at eto ako ang nag-aayos ng mga plato habang siya ang sa mga leftover na pagkain.

"Bakit?"

"Nakipagmeet ako kay Papa YG."

"Oh? Kelan?"

"Mga ilang araw na rin siguro ang nakalipas." Bakit kaya?

"Bago yan ah. Bakit ikaw lang pinatawag?" Medyo matagal bago nakasagot si CL. Okay? Mahirap bang sagutin yung tinanong ko?

"A-anoo daww..."

"Ano?"

"May practice daw tayo bukas." Hindi kaagad ako nakaimik. Ako naman naman ang natahimik. Hala, paano ako makakapagpraktis?

"Unnie?"

"Uh... Ano bang meron?"

"Heart Music Festival." Oo nga. Next week na pala yun.

Ride or Die (Season 1 and 2)Where stories live. Discover now