T H R E E

4.4K 309 93
                                    

Kanina pa ako nakatanaw sa lawak ng karagatan mula sa balkonahe ng cabin ko. Kanina pa ako nakikipag-away sa sarili ko kung maliligo ba ako sa dagat o hindi.

Tanghali na at tingin ko masarap maligo sa dagat. Pero heto ako at nakaupo lang sa balkonahe nakikipagdebate sa sarili ko.

Nakakita ako nang grupo na naliligo. Kaya napag-desisyunan ko na talagang maligo.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Pumasok ako sa cabin. Kumuha ako ng bikini na isusuot ko.

Two piece black bikini ang kinuha ko mula sa maleta. Agad akong naghubad ng damit saka isinuot ito.

I looked at myself on the mirror. I am chubby, pero sakto lang. Malaman lang talaga ako. Dahil na rin sa matangkad ako, kaya hindi ako nagmumukhang malaman.

Hindi man gaya ng iba ang katawan ko na fit, I still praise myself. God gave me this one and to thank him is to take care and love what he gave.

Sabi nga nila, huwag mong isipin ang wala sayo na nasa iba. Bagkus, isipin mo ang mayroon sayo na wala sa iba.

Inilugay ko ang tuwid kong buhok. Lumabas na ako ng cabin at patakbong lumusong sa dagat.

Para akong naginhawaan nang maramdaman ko ang lamig sa katawan ko.

Ilang minuto rin akong nagpalutang-lutang at lumangoy doon hanggang sa mapagod ako. Umahon ako saka naglakad patungo sa buhangin.

Hinawakan ko ang tuwid kong buhok na hanggang sa balikat saka pinisil para matuyo.

Pero gayon na lang ang gulantang ko nang may biglang nahulog mula sa itaas ng kahoy na nasa tabi ko lang.

Napatili ako saka nanlalaki ang mga matang napatingin sa kung ano ang bumagsak.

Pero mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi iyon 'ano' kundi 'sino'.

"Santino?! Saki?!" Hindi ko napigilang bulalas.

Hindi ako mabilis magulat pero nakakagulat naman kasi talaga ang nangyari. May nahulog ba namang tao mula sa itaas ng kahoy.

Bahagya pa akong nakaramdaman ng kaunting hiya nang makitang si Santino ito pero nawala lang din kalaunan.

Nanlalaki ang mga mata ni Santino. Samantalang si Saki ay nakangisi.

Dali-daling tumayo si Santino. Hinila niya na rin patayo si Saki na ngingisi-ngisi lang.

"Anong ginagawa niyo diyan sa itaas?" tanong ko. Kunot ang noo ko.

Umawang ang labi ni Santino, pero hindi siya nagsalita. O baka, hindi makapagsalita. Samantalang si Saki ay nakangisi pa rin.

"Saki, anong ginagawa niyo diyan sa itaas ng puno?" tanong ko sa kanya.

"Eh, kasi Ate si Kuya-"

Agad na tinakpan ni Santino ang bibig ni Saki. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya. May alinlangan siyang ngiti.

"H-Huwag kang maniwala sa kanya, Madam!" Bulalas niya.

Humalukipkip ako at mas lalong kinunutan siya ng noo.

Kapag talaga sinungaling, nabubuko ang sarili.

"Wala pa'ng sinasabi ang kapatid mo, Santino," wika ko.

Napatingin siya sa dibdib ko. Mas lalong umawang ang labi niya.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang tinitingnan niya. Hala! Magpakabusog siya bago ko maisipang tanggalan siya ng ngala-ngala.

Namula ang pisngi niya, pababa sa leeg pati na sa tenga. Bumalik ang tingin niya sa mukha ko.

"W-Wala pa ba?" aniya.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon