T W E N T Y - S I X

2.8K 201 30
                                    

It's been month and everything still happened like it was just yesterday. Simula nang umalis siya ay hindi ko na siya muling nakita. Isinubsob kong muli ang sarili ko sa pagtatrabaho sa restaurant at sa lahat ng mga businesses na hawak ko. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para lang makalimot sa kanya.

Wala na akong naging balita sa kanya o sa pamilya niya. Alam ko na naroroon pa rin sila sa El de Hera pero ni-minsan ay hindi ko na sinubukan pang bumisita doon. I missed Saki and Six, and Nanay Laureen but I chose to disregard it.

I've been missing him everyday of my life. Even after I and my father reconciled, even after I felt happiness in my heart, I could still feel the missing piece in me.

"Chef, may mga nag-email na naman po para magpa-deliver sa mga birthday celebrations at anniversary."

Napaigtad ako nang bahagya nang marinig ang boses ni Zerine sa likod ko. Kasalukuyan akong nakahalukipkip habang pinapanood ang mga customers ko at mga empleyado. Up until now, I'm hoping that the day will come that Santino would finally had his dreams granted. Para bumalik na siya.

O kung babalik pa siya.

Pagkatapos ng mga nangyari, Zerine became closer to me at siya na ang palagi kong pinagkakatiwalaan.

Nilingon ko siya. "Uhm... kailan daw?" tanong ko.

"Uhm... marami po sila, Chef, eh. Pero nilagay ko na po sa order lahat ng mga petsa ng nag-order. Para hindi po tayo mabitin sa oras," aniya.

Tumango ako. "Okay. Let's get to work." Saka nauna na akong naglakad papasok sa kusina.

Bawat araw ay nangangarap ako na sana makita ko si Santino. Araw-araw kong pinangarap na sana natupad na niya ang mga pangarap niya para sana makita ko na siya.

"Chef, tanghalian na. Hindi ka pa ba kakain?" I heard Zerine asked me.

Napabuntong-hininga ako. Napatingin ako sa paligid. Nasa loob pa rin ako ng kusina kasi simula nang pumasok ako rito ay hindi na ako lumabas.

Ngayon ko lang napansin na wala na palang masyadong tao sa loob ng kusina. Lahat ay nasa labas na at nasisiguro ko na kumakain na ang mga ito.

"Uhm... anong oras na pala?" I asked. Even my voice feels so lifeless.

Bumuntong-hininga si Zerine. Alam kong pansin niya rin ang mga kilos ko. Alam kong alam niya ang nangyayari sa akin pero ni-minsan ay hindi siya nagtanong. She respected my privacy and that's what I like about her.

"Alas dose na po ng tanghali, Chef." May lungkot niyang sabi.

I sighed. Napatingin ako sa wristwatch ko. Totoo nga na alas dose na ng tanghali. Pero hindi ko man lang ramdam ang gutom.

I nodded. "Sige. Kumain ka na. Don't mind me. Hindi pa ako gutom." I smiled timidly.

She sighed once again. "Kapag nagutom ka, Chef... kumain ka lang, ah."

Tumango ako saka tipid siyang nginitian. "Sige."

Ngumiti siya pabalik saka naglakad na rin palabas ng kusina.

Nang ako na lang ang naiwan sa loob ng kusina ay napapikit ako ng mariin. Umiling-iling ako at gusto kong tawanan ang sarili.

Nakakabaliw nang maging ganito. Nakakabaliw palang maka-miss ng isang tao.

Nang matapos ako sa ginagawa ay pumasok ako sa opisina ko. I closed the door and locked it as I layed down on my sofa.

The place gives nostalgia to me. I can still remember the time when Santino used my thighs as his pillow, together with his warm hands gently holding my hands.

Heart Against The Hurricane (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon